Hiring?

46 4 3
                                    

3rd person's POV
Nagkatahimikan sa loob ng opisina ng sumigaw ng napakalakas si Gou. Agad namang tumayo si Nagisa at hinawakan ang kamay ni Gou. "Kalma lang Gou-chan." Mahinahong sambit nito sa dalaga. "Isa ka pa! Diba sabi ko sayo Kou ang itawag mo sakin?! Hindi GOU?!" Sigaw naman ni Gou kay Nagisa na ikinatakot nito at mabilis na bumitaw sa kamay ng kaibigang babae. Agad na lumabas si Gou at pumunta sa kung saan.

"Hala ka Rin!" Pananakot ni Makoto kay Rin. "Luh? Anong ginawa ko?" Kabadong sagot ni Rin, nagtitinginan lang sila ng mapansin nilang nawawala na si Nagisa.

Nagisa's POV
Pagkatapos akong sigawan ni Gou, ramdam kong para bang nanigas ang katawan ko at di ko magawang gumalaw. Di ko na pinansin yung iba at inisip ko na lang kung saan pumunta si Gou. . .

Tumakbo ako palabas at di na pinansin ang mga taong nakakasalubong ko. "GOU?! GOU-CHAN?!" Sigaw ko sa hallway ng campus. Biglang pumasok sa isip ko ang GIRLS' ROOM. "Shit..." napamura ako dahil sa kaba. Dahan dahan akong lumapit sa pintuan ng girls' room at huminga ng malalim. Ok.. kaya mo to Nagisa! Kailangan mo lang hanapin si Gou. After some peptalks unti unti kong inilapit ang aking kamay sa doorknob ng pinto, ng biglang. . .

"AAAAAAAAAHHHH!!!!" Sigaw ng isang babae. "H-HINDI! IBA ANG INIISIP MO!! WALA AKONG BALAK M-MANILIP!!!!" sagot ko habang nanginginig na ang aking mga tuhod. "So anong ginagawa mo dito?!?!" Sigaw ulit ng babae sakin. "Hinahanap ko lang kaibigan ko! Baka kasi anjan sya sa loob." Sagot ko habang umiiwas ng tingin sa babae.

Gou's POV
Inis na inis ako kay kuya ngayon! First day of school palang eh! UGGHH! Nasigawan ko pa tuloy si Nagisa... Agad naman akong lumabas ng maramdaman kong natakot si Nagisa sa ginawa ko. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa hallway ng school, kung saan pinagtitinginan ako ng ibang estudyante.
"Sya yung kasama ng ISC members diba?"
"Oh my gosh.. sya yata yung girlfriend ni baby Nagisa ko! Huhuhu!"
Dinig na dinig ko ang mga bulung-bulungan ng mga estudyante kaya nagpasya akong lumiko hanggang sa makarating ako sa ladies' room. "Di ako masusundan ng mga lalaking yun dito." Sabi ko sa sarili ko habang dahan dahan akong lumapit sa sink. Humarap ako sa salamin, ng biglang bumukas ang pinto ng isang cubicle. Napabalikwas ako at napakalma na rin ng malaman kong estudyante lang pala... Nagulat naman ako ng bigla itong sumigaw ng napakalakas at animo'y makakabasag na ng salamin! Kinabahan naman ako ng makarinig ako ng boses ng lalaki. Isang pamilyar na boses ng lalaki "H-HINDI! IBA ANG INIISIP MO!! WALA AKONG BALAK M-MANILIP!!!!" Unti unti akong lumapit sa pintuan kung saan nakatayo si ate girl na kulot na kulot ang buhok. "Excuse me nga." Sabi ko sa babaeng mukhang bulbol xD.

Tama ang hinala ko. Si Nagisa nga ang kausap nung babae. "Anong ginagawa mo dito?"  Nagkunwari akong galit at kinausap ko sya. "H-hinahanap lang kita. Baka kasi kung saan ka napunta." Sagot nya habang umiiwas ng tingin. "Well, okay lang ako kaya wag mo na kong alalahanin." Sambit ko ng may seryosong mukha. Tumingin sya sakin at unti unting ngumiti. "What?" Tanong ko sakanya; bumilis ang pintig ng puso ko ng bigla nya akong yakapin.

 "What?" Tanong ko sakanya; bumilis ang pintig ng puso ko ng bigla nya akong yakapin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Gou-chan... gom-- gommenasai." Sabi nya sakin habang umaaktong iiyak.

Lumambot naman ang puso ko at para bang gumaan ang pakiramdam ko pag nakakasama ko si Nagisa. Inalis ko ang sarili ko sa kanyang pagkayakap at ginulo gulo ang kanyang buhok. "Ano ka ba, hindi mo yun kasalanan. Sadyang short-tempered lang talaga ako. Alam mo bang dahil sa inyo sumasabog na stress cells ko?! Baka tumanda ako ng maaga dahil sa inyo e!" Biro ko sa kanya na ikinatawa nya. "Hahahaha! That was funny Gou-chan!" Sabi nya sakin habang humahalakhak. "Huy! Tumigil ka nga! Pinagtitinginan ka na ng mga tao oh! Baka mapautot ka pa jan! Mapahiya ka pa!" Pagbibiro ko sa kanya habang ako'y mahinhing tumatawa. Ilang sandali pa ay tumigil na sya sa katatawa at inayos ang kanyang buhok at uniform. "*clears throat* Gou Matsuoka, the ITSC is hiring a new club manager. Napansin kong may potential ka at  mataas ang iyong leadership skills. So, I suggest that you should apply for this position." Seryosong sambit nya sakin with a straight face.

Uulitin ko kababayan, seryoso at straight faced sya. As if I was talking to a different side of him.

"H-hiring? For a club manager?!" Tumirik ang aking mga mata ng malaman ko ang tungkol dito. "What makes you think that I would just say yes?" I asked him while crossing my arms. Mataray mode: on. "Like I said, mataas ang leadership skills mo. At sa tingin ko, kaya mo namang humandle ng club e." Sagot nya habang nakangiti. Napaisip naman ako at nagbakasakaling makakatulong to sa grades ko. "So? Is it a yes?" Seryosong tanong nya sakin habang papalapit. "O-oo sige.. I'll be the ITSC manager." Mabilis na sagot ko sa kanya. Though, may kaunting kaba ang umiikot sa sarili ko.

Matagal na kong hindi nakapag manage ng isang club. Last time na nagmanage ako, I ended up setting the club.... BANNED -__- Di ko naman kasalanan kung tatanga tanga yung baso at nagfeeling ibon at tumalon mula sa lamesa at lumanding sa saksakan!! Nagakaron ng electrical fire sa club na yun at--- "Gou??" Natauhan naman ako bigla ng umimik si Nagisa. "H-huh? Ano?" Nalilito kong sagot sa kanya.

Tumawa lang sya at hinila ako pabalik sa ISC office. Nadatnan namin ang apat ba binata na nag-iingay at nagtatapunan ng papel sa isa't isa sa mismong loob ng opisina ng former manager nila. Correction, office ko ;) "What in Doraemon's name is going on here?!" Sigaw ko habang nakapamewang na parang nanay na pinapagalitan ang kanyang anak ng dahil sa kakalaro.

Napalingon naman silang apat samin at napatigil sa kalokohang ginagawa nila. "G-Gou. Ikaw n-na pala yan." Nanginginig na sabi ni kuyang naka brownish-green ang buhok. "Well obviously, ako na talaga to! Secondly, umayos kayo! Para kayong mga asong layas na may rabis! Ang lalaki nyo na! Sigurado pati yung ano nyo---" naputol ang aking sasabihin ng takpan ni Nagisa ang bibig ko.

"HOKEY! Gets na namin Gou! Di mo na kailangang idetalye pa." Kinakabahan na sambit ni Nagisa sa akin. Tinanggagal ko ang kamay nya mula sa aking bibig at lumapit sa manager's table at umupo. "Nagisa-kun, hindi yun ang ibig sabihib ko. Wag kang berde!" Sagot ko sa kanya habang nakangisi.

Napatawa naman ang apat na binata sa sinabi ko at pinagtutukso ang nakababatang myembro nila. "Nagisa-kun, masyado ka pang bata para maintindihan yung mga ganyan! At ikaw Gou." Panunukso samin ni kuya Rin. "ANO?!" sabay naming sabi ni Nagisa kay kuya Rin. "14 na ko Rin-senpai!" Sagot ni Nagisa na parang 5 year old. "Hindi naman yun ang ibig kong sabihin ah!!" Sigaw ko sa kuya ko habang pinagsusuntok ko sya.

We argued and argued until kuya Rin finally gave up. "Oo na.. sige na.. panalo na kayo." Itinaas ni kuya ang dalawa nyang kamay as if na sumusurrender na sya xD

----------------
Yow readers! Sorry kung mahaba tong chapter na to then yung iba maiikli lang 😂
-PairenoKween524🍍🦊

The Perks Of Having A BOY Bestfriend (ON GOING)Where stories live. Discover now