Chapter 2

16.9K 340 6
                                    




Pagkapasok palang sa loob ng kompanyang pinagtatrabahuhan ko ay agad kong nakita ang mga gamit ko na nakaayos. 


A-anong ibig sabihin neto? B-bakit nakaayos ang mga gamit ko? P-pinapaalis na ba ako ni Sir Perez? Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong ginawang mali! Inaayos ko naman ang trabaho ko ng mabuti kaya hindi ko alam kung saan banda ba ako nagkamali!

"Excuse me, Miss Hernandez. Pinapatawag ka po ni Sir Perez" Sabi nang sekretarya ni Sir Perez.

Bigla akong kinabahan doon dahil sa sinabi ni Claudia. Halos mawalan ako nang hininga habang patungo Kami sa opisina ni Sir Perez. Shit! Sa loob ng apat na taon na nagtrabaho ako dito ay ngayon palang ako pinatawag!

"You can go inside, Ms. Hernandez. Sir Perez is waiting for you." Tumango ako kay Claudia at pilit na pinapakalma ang aking sarili.

Nanginginig na binuksan ko ang pinto nang kanyang office. Pakiramdam ko kasi ay parang may ginawa akong mali na hindi ko alam kung ano!

"G-good morning, Sir" nauutal na sabi ko Pagkapasok ko nang kanyang opisina. Tumingin  siya sakin at binigyan ako ng tipid na ngiti.

Shit! Ang gwapo naman ni sir! Hindi ko siya madalas na nakikita dito at kung nakikita ko naman siya lagi itong nakasimangot at ito ang kauna-unahang ngumiti siya sa akin!

Unti-unti akong lumapit sa kanya at tiningnan ako ng seryoso.

"So you are Cassandra Wren Hernandez?" He said coldly and he stared at me seriously as if he was memorizing everything about me.

"Y-yes, sir" nanginginig parin na sabi ko sa kanya.

"You can sit for now, Ms. Hernandez." Malamig na sabi at may kinuha na hindi ko alam kung ank. Umupo naman ako gaya ng mga sinabi niya sa akin.

"I know that you've already seen your things outside."  Para akong nawalan ng pag-asa dahil sa sinabi niya. So ibig sabihin talaga neto ay pinapaalis na niya ako sa kompanya niya?

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang tumulo ang mga luha ko sa harap niya! Shit!

"S-sir, ano po ba ang kasalanan ko? B-bakit naman po bigla niyo po akong pinapaalis dito? Sa pagkakaalam ko po ay  wala naman akong ginawang mali o mga nilabag na batas dito. Alam niyo po ba na napamahal na sa'kin ang kompanyang 'to? Dahil ilang taon na rin akong nagtatrabaho dito kaya hindi ko po alam kung saan banda po ako nagkamali baka sakaling maayos ko po iyon sir. Huwag niyo lang po akong paalisin dito." I don't care of he would see me cry at his front! Nakita ko naman kung paano umawang ang labi niya nang makita niya akong umiiyak.


"No, no, Ms. Hernandez. That's not what I mean" Sabi niya. Napatigil naman ako sa pagkakaiyak dahil sa sinabi niya.


So, hindi iyon ang ibig sabihin niya? Kung gayon, bakit niya pinaayos ang mga gamit ko kung hindi pala iyon ang ibig niyang sabihin?

"Ano po ba ang ibig niyong sabihin, sir? Bakit niyo biglang pinaayos ang mga gamit ko?"

"Ms. Hernadez if you thought that I will fired you. I guess you were wrong. I currently out your things because I have a new job that I will give to you and I will pay you a double salary if you will accept this offer." Saglit akong napatulala doon dahil sa sinabi niya. W-what? New job? At ano naman iyon?

"A-anong offer po ba ang ibibigay niyo sa akin, sir?"

"If you will accept this offer, It means you will go to work in the other company which is the Villamir Empire. Within five months, you will work as a secretary of a new CEO of Villamir Empire. That's it, if you will accept this offer." W-what? Magtatrabaho ako sa ibang kompanya? Totoo ba ang mga narinig ko? Tapos malaki pa ang sahod ko doon!

The Billionaire's Owned My Heart (Villamir Series #1) Where stories live. Discover now