Chapter 26

120K 2.5K 508
                                    

"Iara, pwedeng ikaw na ang magtapos ng interview?"

"Po?" Ma'am Mira's request caught me off guard. "Bakit po?"

After ng first part ng interview ay nagtawag ng lunch break pero matapos naming kumain ay bigla akong nilapitan nito at ito na nga, nakikiusap na ako na ang magtapos.

"Kailangan kong bumalik sa opisina. I have an emergency meeting with the publishers. Madali lang naman eh."

Iniabot niya ang papel na naglalaman ng mga tanong at alangan ko itong tinanggap.

"Pero, Ma'am, hindi ko po alam—"

Umiling siya at umismid na nagpatigil sa'kin. "It's easy. Just ask the questions from this paper, let him answer and give a brief comment before you ask again. Gano'n lang kadali. Isa pa, kaya ka nandito para tulungan ako, diba. I'm counting on you."

Napatango na lamang ako. "Don't worry, hindi ka naman kukunan ng video. Si Dylan lang. Make sure to ask all that questions today, okay?" Dagdag nito bago kunin ang handbag sa upuan at nagmadaling umalis.

Sinundan ko siya ng tingin ay nang mawala ito sa aking paningin ay dumapo ang kaba at taranta sa'kin.

I went out and blew out some air of frustration. Ni-review ko rin ang mga tanong na nagpakunot ng noo ko?

Talaga bang itatanong ko 'to? These questions might bring some words unspoken, unanswered questions from the past and forgotten memories. God! Hindi ko alam kung makakaya kong marinig ang kanyang mga sagot. I think I was not ready but who no one cares because this job was way important for my boss.

Binaba ko ang aking braso at patagilid na sumandal sa pader. Nakatingin ako sa kawalan habang kagat ang ibabang labi at nag-iisip.

Kaya mo 'to, Iara. Tatanungin mo lang naman, e. It's so simple. Plus, you have ample time to have yourself ready. Kaya 'to!

Maya maya ay tinawag na 'ko ni Jim at sinabing hinahanap na daw si Ma'am Mira

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Maya maya ay tinawag na 'ko ni Jim at sinabing hinahanap na daw si Ma'am Mira.

Tumango ako at inipit ang papel sa pagitan ng aking mga hita bago iayos ang pagkaka-ipit ng aking buhok. Bumuga muli ako ng hininga't tinignan sa huling pagkakataon ang papel bago kinakabahang pumasok na sa loob.

Kinausap ko muna ang manager at sinabing ako ang magpapatuloy ng interview. She didn't say anything about it and said that it's fine.

When I walked on the set, the arrangement of the chairs was changed. Isa na lamang ang upuan para kay Dylan na siyang magiging sentro ng lahat.

He was already there, sitting comfortably while looking at me with sharp eyes. Sa sobrang talas nito ay parang isa siyang agila na naghahanap ng mabibiktima sa lupa.

The Virgin Lies (Published under LIB)Where stories live. Discover now