Kabanata 3

28.7K 249 15
                                    

Wala na siya paggising ko kinabukasan ng gabing naibigay ko sa kanya ang hindi dapat. Nakatulala ako  habang nakahiga. Totoo ba yung nangyari? Nasagot ko ang sarili kong tanong nang maramdaman ko ang sakit sa ibabang bahagi ng katawan ko.

Hindi ko napigilang mapaluha. Ano ba tong pinaggagawa ko sa buhay ko? Alam kong hindi tama iyon. Mali iyon. Hindi ko alam kung may asawa na ba siya. O may pamilya na. Ano na lang ang sasabihin ng pamilya ko pag nalaman nila. Napailing ako ng maraming beses.

Hindi. Kailangan ko na lang siyang kalimutan. Paniguradong hindi na siya babalik sa buhay ko at hindi na siya magpapakita pa.

Bakasyon na pero kailangan namin bumalik ni Jero sa School para kunin ang Report Card namin.

Nag-asikaso na ako. Masakit pa rin ang bahaging iyon ng katawan ko pero hindi ko kailangan magpahalata. Nandoon ang pakiramdam na parang may kakulngan sa loob ko. Bigla akong kinalibutan ng maalala ang nangyari kagabi.

Masakit. Pero alam ko sa sarili kong ayaw ko siyang tumigil sa ginagawa niya. Napakagat labi ako sa iniisip ko.
 

Hay naku Lyka. Tumigil ka na sa iniisip mo.

"Oh. Ano? Sabay tayo mag-enroll?"

"Sige Je. Pero parehas ba tayo ng Course na kukunin? Akala ko susunod ka sa yapak ni Tito Anton"

"Gaga. Kilabutan ka nga. Sinabi kong ayaw kong mawala ka sa paningin ko kahit sinasabi niyang pambabae lang daw ang pagiging Nurse wit siya nagawa." Iniirapan niya ako habang sinasabi iyon. Natawa lang ako sa kanya.

Nursing ang kukunin kong kurso kasi sabi ni Mama mas madali akong makakakuha ng trabaho oras na sumunod ako sa kanila sa Amerika.

"Ako pa talaga ang ginawa mong palusot" Nagtatawanan kami ng nakatanggap siya ng tawag mula  kay Tita Julie.

"Oh Ma?" Patuloy ko lang na tinitignan ang Report Card ko. Hindi ako mahihirapang makapasok sa University na gusto ko dahil mataas naman ang mga marka ko. Kailangan ko na lang makapasa sa entrance exam nila.

"Sige po Ma. Ngayon na po ba? Pwede ko bang isama si Lyka?" Napatingin ako sa kanya. Ano kayang utos ni Tita.

"Lyks. Punta tayo kay Papa. May nakalimutang Folder sa bahay kailangan daw ngayon hindi naman makaalis si Mama dahil binabantayan si Bunso. Hays napaka sipag naman kasi ng magulang ko sa paggawa ng bata."

Naku po.

"Ayoko Je." Nagulat siya sa sagot ko. Hindi naman kasi tumatanggi sa mga pagyayaya niya sakin. Parang ngayln lang yata.

"Ha? Bakit? May sakit ka ba?"

"Wala. Pagod lang ako."

"Paano ka naman napagod eh hindi naman tayo naglakad papunta dito sa School. Huwag ka nga. Bawal ang tamad. Tara na!" Hinatak niya na ako palabas ng School.

Lord. Please. Pakiusap. Sana wala po siya doon. Pls lang Lord. Pagbigyan niyo naman po ako.

Nandito kami ngayon sa Camp Aguinaldo. Maraming sundalo sa paligid. Tinawagan ni Jero si Tito Anton at sinabing nandito na kami sa labas.

Sinabi ko kay Jero na huwag na kaming pumasok at iabot na lang niya ang folder dito sa entrance pero ang sabi ng babae sa Info desk pwede na daw kami umakyat sinabihan pa ako na sa susunod huwag daw akong mag short kung pupunta dito.  Tinaasan lang siya ng kilay ni Jero. Si Ate naman. Kung alam lang niyang sinusumpa ko ang pagpunta ko dito. Napabuntong hininga na lang ako na napakalalim.

Umakyat  kami sa 3rd floor at hindi na ako makahinga. Hindi ko naman sigurado kong makikita ko nga siya pero yung ideya na nasa posibleng iisang lugar lang kami hindi na ako makahinga.

AMERICAN SIZE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon