Nel's point of view
"We're here," sabi ni Mr. Cruz nang huminto ang sasakyan namin sa isang parlor-salon. Sinilip ko ang salon mula sa bintana. Tamang-tama at bumukas ang pinto niyon at nakita ko ang dalawang babaeng nagbebesohan pa. ang isang babae ay malamang ay costumer. Ngunit ang isa ay ang may-ari.
Si Becca.
Walang masyadong nagbago sa itsura niya maliban sa kulay ng buhok niya. Totoo ngang nagpatayo siya ng business gamit ang nakuha niya sa ama ko.
Sa tulong ni Mr. Cruz, nalaman ko kung nasaan si Becca at ang background ng bruha kong step mother. Nalaman kong kahit kasal na sila noon ni dad ay nakikipagrelasyon pa rin siya sa tatay ni Pia. Kung gayon, simula palang ay ginagago na niya kami.
Gustong-gusto ko siyang sugurin ngayon at tanggalain sa anit niya ang nangingintab niyang buhok. Ngunit may iba akong plano para sa kanya.
Nag-ring ang cellphone ko. Tumatawag ulit si Migs. Ayoko man ay pinatayan ko siya ng cellphone. Ayokong malaman ni Migs ang agenda ko. Natitiyak kong pag nalaman niya ay pipigilan niya ako. Kaa hangga't maaari ay iniiwasan ko siya para lamang sa plano ko.
It is not over yet. Ikakasal na ako ngunit hindi ako malalagay sa tahimik nang hindi pinagbabayad ang mga nanakit sa pamilya ko. Kahit anumang mangayari, itutuloy ko ang plano ko. Sa ganitong paraan ko lang matitikman ang katahimikan.
"Si Becca po mismo ang nagpagawa ng salon, Ms. Nel. Isang taon na itong naitayo at sa nagyon ay maganda ang kita," report ni Mr. Cruz, ang aking nagsisilbing detective.
"Ngunit ang lupa ay sa lalaki niya," dugtong ko. Tumango si Mr. Cruz.
"Ang lupa ay minana ng lalaki sa magulang niya na binili sa pamilyang Hermosa, 60 years ago,"dugtomg pa ni Mr. Cruz.
"Very well. Let's play the game. Kaya mo bang sirain ang pagiging legal nila sa hawak nilang lupa? Tingnan ko lang kung aabot pa ng dalawang taon ang Becca's Beauty Salon na iyan."
"Kaya po, Miss Nel."
Ngumiti ako kay Mr. Cruz. Nakikinita ko na ang itsura ni Becca kapag nawala na sa kanya ang salon at lupa na pinaghirapan nila.
BINABASA MO ANG
The Evil Queen
RomancePaano kung mawala lahat ang mga taong mahahalaga sa'yo? Iiyak ka nalang ba? Magtatampo at uupo sa isang tabi? Kung Si Nel ang tatanungin mo. basahin mo nalang ang istorya kung paano siya bumangon, gumanti at nagpatawad. ---- NOTE: This story h...