20. Tagalog Quotes

5.8K 42 0
                                    

Nauuna ang “I” kaysa sa “YOU” sa word na “I LOVE YOU”.
That means unahin mo munang mahalin sarili mo bago ibang tao.

Ilang taon ka ng nabubuhay sa mundo bago mo pa siya nakilala. Kaya, wag mong idadahilan na hindi mo kayang mabuhay ng wala sya.

Kung pagod ka na, BITAWAN mo na, hindi ung nagpapakatanga ka eh madami pa namang ibang mas BETTER sa kanya

Minsan yung inakala mong masaya sayo, mas sasaya pala pag pinalaya mo.

Ang tao hindi yan piso na kapag nagkulang ka sa pamasahe, tsaka mo lang papahalagahan.

Bilog ang mundo kaya kahit talikuran mo ang problema mo, sa huli haharapin mo rin yan sa ayaw at sa gusto mo.

Ni minsan hindi ako naniniwala na kapag ang tanga daw eh natuto eh humanda ka. Kalokohan, eh sa mga nakikita ko… kapag ang tanga natuto, pahinga lang ng konti maya maya tanga nanaman ulit.

Minsan mas ok pang sabihin mo na ayos ka lang kesa sabihin mo yung totoong nararamdaman mo.

Love hurts? Hindi siguro. Yung masakit ay yung ma-reject, mapaglaruan, magamit at yung maiwanan sa ere, yun ang masakit. Hindi yung love.

Minsan hindi talaga mapipigilang tumulo ang luha natin kapag masyado na tayong naaapektuhan sa isang sitwasyon.

Nakakadepress lang minsan kapag nakikita mong hindi pinapahalagahan yung mga effort na ginagawa mo para mapasaya siya.

Masarap kapag sinasabihan ka niya na mahal ka niya pero mas masarap kapag pinapatunayan niya sayong mahal ka talaga niya.

Wag mong sayangin ang pagmamahal na ibinibigay sayo. Dahil kahit gaano ka pa kamahal ng isang tao kapag napagod yan, kusa rin yan susuko.

Quotes and AdviceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon