One

113K 1.2K 21
                                    

“DOLAN AKO NA ANG MAGMAMANEHO NG KOTSE.” Wika ni Aero sa kaniyang driver. Nasa basement parking sila ng network company na pinagtatrabahuhan niya ng mga sandaling iyon. Katatapos lamang ng kaniyang taping at pictorials.

Si Aero Jan Montenegro ay isang sikat na aktor sa kapanahunan niya. Tinagurian na siyang isang magaling na artista dahil sa taglay nitong kahusayan sa pag-arte, mapadrama, aksyon o komedya man. Maraming tao ang humahanga sa kaniya pati ang kaniyang mga kapwa artista. Hindi rin matatawaran ang taglay nitong kagwapuhan at lakas ng dating na nagiging dahilan ng pagkuyog sa kaniya at pagtangkilik ng mga tao lalo na ang mga kababaihan.

Si Aero ay panganay sa tatlong magkakapatid na pawang mga lalaki. Naggaling sa angkan ng Montenegro kung saan masasabing maimpluwensiyang angkan sa buong Pilipinas. May pag-aari rin silang chain business pati sa abroad. Maihahanay sila sa mga mayayaman at makapangyarihang pamilya. Abala ang magulang nila sa kanilang negosyo sa ibang bansa kaya ang kapatid niyang si Wade at Fritz lamang ang nakakasama niya sa kanilang nakakalulang mansiyon.

“Pero Sir..” nag-aatubiling sagot ni Dolan.

“Wala ng pero pero. Basta ako ang magmamaneho. Nakaka-miss ng magmaneho eh!” wika ni Aero. Hilig kasi nito ang magpatakbo ng sasakyan na napakabilis kaya kahit si Dolan na driver niya ay nag-aalangan na hayaang ito ang magmaneho. Malapit kasi ito sa disgrasya. Gayunpaman, isang mabait na amo si Aero na isang dahilan kaya ilang taon nang nagseserbisyo si Dolan sa pamilya Montenegro at ni minsan ay hindi binalak na umalis.

Napakamot na lamang sa ulo si Dolan saka sumakay sa unahan sa tabi ng driver’s seat kung saaan nakaupo na si Aero

Binuhay ni Aero ang makina ng kotse saka dahan dahang pinaandar hanggang makalabas ng parking lot. Nang tuluyan ng makalabas sa parking lot ay pinaharurot na nito ang sasakyan na hindi na ikinagulat ni Dolan dahil sanay na siya rito ngunit hindi pa rin mawala ang pag-alala niya kaya tinatalasan pa rin niya ang kaniyang mga mata sa mga sasakyan nalalampasan nila o nakakatabi dahil baka bigla bigla ay magitgitan o mabangga ang mga ito.

“Okay ka lang?” tanong ni Aero kay Dolan pagkapatay ng makina ng kotse ng maiparada na sa loob ng veranda ng mansion ang sasakyan nito.

“O-Oho Sir.” Alanganin itong ngumiti.

“Sir, nasa sala ho ang Auntie Helen ninyo. Hinihintay kayo.” Wika ng katulong na sumalubong kay Aero sa may main door ng mansiyon.

Kumunot ang noo ni Aero. “Bakit naman kaya?”

“Hindi ko po alam Sir. Basta ho raw hihintayin na lamang kayo. Sabi ko ho kasi sa kaniya ay pauwin na din kayo ng ganitong oras.”

“Okay.” Tinungo nito ang sala at natanaw niya agad ang Auntie Helen niya na nagbabasa ng magazine habang nakaupo sa sofa.

“Auntie Helen!” malakas niyang wika habang papalapit sa ginang.

Napatunghay ang ginang sa kaniyang pagtawag. Tumayo ito at nagbeso sa kaniya. “Iho..”

“Kailangan ninyo raw ako?” tanong niya saka iginaya ang ginang sa pag-upo ulit.

Ruined HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon