Chapter 16: Get Comfy And Get Naked

38.4K 890 9
                                    


MARTIN STAYED the night at my apartment. Sabi ng lohikal na parte ng utak ko hindi 'yon magandang ideya. Kaso natibag ang natitirang pader ng self-preservation ko pagkatapos niyang haplusin ang pisngi ko, ngumiti at sabihing, "I really like you, Grace." Kaya bago ko pa mapagana ng matino ang isip ko naalok ko na siyang manatili roon tutal hindi naman uuwi ang bestfriend ko. Ni hindi siya nagdalawang isip at pumayag agad. Siyempre napasubo na ako kaya hindi ko na binawi ang invitation ko. Okay, that's a lie. Ayoko lang talaga bawiin kasi gusto ko talaga siyang makasama pa ng matagal.

Narealize ko na marami ka talaga malalaman tungkol sa isang tao kung makakasama mo siya sa iisang bubong kahit isang araw lang. Ako kasi maraming nalaman tungkol kay Martin. Katulad nang masarap pala siya magluto kasi siya raw ang palaging toka sa kusina noong magkasama pa sila ni James sa iisang apartment. Nalaman ko rin na kaya mukha siyang masungit ay dahil ang totoo naiilang siya kapag maraming tao sa paligid niya. Mukhang totoo kasi ngayong kaming dalawa lang ang magkasama ay mas relaxed ang hitsura niya, mas bumata.

Ang problema lang, dahil masyado akong komportable, nadulas ako at nasabi na sa kaniya na tumigil na ako sa dati kong trabaho at na sa kasalukuyan ay isa akong bum. Pigil ko ang hininga ko pagkatapos kong aminin 'yon, hinihintay ang magiging reaksiyon niya. Akala ko magugulat siya, matutuwa, magtataka. Pero hindi ganoon ang nakita ko. Tumango lang siya, ngumiti at tinanong kung ano na ang plano ko ngayon. Na para bang hindi naman importante sa kaniya in the first place kung prostitute ako o hindi. Narealize ko na 'yon nga talaga ang kaso. Martin didn't care about my job because he likes me and accepts me, including the part of me that is so fucked-up.

Sumikip ang dibdib ko nang maisip ko 'yon at bigla kong naisip na malamang, kahit malaman niya ang pinakatatago kong sikreto, matatanggap pa rin niya ako. Pero ayokong maging depressing ang gabing 'yon kaya binalewala ko ang ideya na 'yon at sinagot ang tanong niya. "Nagdesisyon akong bumalik sa school sa darating na semester. Malapit naman na akong matapos eh. Then I think I will really aim to be a psychologist. I think I will be good at it."

Lumawak ang ngiti ni Martin at kumislap ang mga mata na para bang proud na proud siya sa akin. "I know you will."

May bumara sa lalamunan ko at uminit ang pakiramdam ko kasi ngayon lang ang unang beses na tiningnan ako ng ganoon ng isang tao. Ngayon lang may naniwala sa kakayahan ko. Even my parents never looked at me with pride in their eyes.

Pagkatapos namin mag dinner at uminom ng wine na matagal na nakatago sa ref pero ngayon ko lang binuksan, tumayo na ako at sinabing magsha-shower lang ako. Tumango siya at nag-stay sa kusina habang ako naman nagpunta sa kuwarto ko para kumuha ng pantulog at saka nagpunta sa banyo. Pero bago ko pa masara ang pinto nagulat na ako kasi binuksan 'yon ni Martin at pumasok din sa loob. Nanlaki ang mga mata ko.

"I want to take a shower too."

"At hindi ka makapaghintay ng turn mo?"

Ngumiti siya at sinimulan na hubarin ang damit niya. "Why should I wait when we can take a bath together?"

Well, may punto naman siya. Besides, being under the shower with Martin is a delectable idea. Hindi na ako nagpakipot at naghubad na rin. Contrary to what one might expect, we didn't have sex in the shower. We might be facing each other and touching each other's body but we didn't even kiss. It was a comfortable feeling, just exploring each other, getting to know one another with just the sense of sight and touch. I liked it.

Iba na nga lang ang kaso pagkatapos namin lumabas ng banyo. Walang ibang dalang damit si Martin kaya nilabhan namin ang damit niya at isinampay sa balcony ng apartment. Wala akong maipapahiram na kasya sa kaniya at ayaw naman niya isuot ang silk bathrobes ko kaya ngayon naglalakad siya na hubot hubad sa apartment ko. His naked body inside the comfort of my home ignites my lust for him. Lalo na nang titigan niya ako at sabihing, "You have too many clothes on, Grace. Why don't you get comfy and get naked?"

SAVING GRACE (R-18)Where stories live. Discover now