Chapter 21

2.4K 43 4
                                    

********** 0.0 **********

Chapter 21

"PINSAN punta ka sa bahay, mag inom tayo" pagkasabi ko noon ay binabaan ko na agad ng telepono si Ditan dahil alam kong tatanggi yon. Narinig kong nagiingay ang cellphone ko pero di ko yon pinansin alam kong si Ditan lang yon at magrereklamo kung bakit ko sya binabaan agad ng tawag.

Wala ako sa mood makipagtalo sa kanya, ang gusto ko lang ngayon ay uminon ng alak at magpakalasing, alam kong bawak sa akin ang masyadong malasing dahil nga sa kalagayan ko gayon pero ito lang ang alam kong paraan para kahit papaano ay malibang ako.

Mga ilan minuto lang ay marinig ko ng may bumaradang sasakyan sa labas ng bahay, tumayo ako kahit tinatamad para pagbuksan ang pinsan ko, alam ko naman sya yon dahil wala naman akong ibang bisitang paparada dyan sa harapan ng bahay namin.

"Bilisan mong pumasok at kaylangan ko ng kainuman" sabi ko na lang ng mabuksan ko ang pinto at bumalik na ako sa sofa at nag bukas ulit ng panibagong bote ng beer.

"Gago, ano bang problema ngayon ng malilimutin kong pinsan at talagang nag ya ka pang uminom dito pa talaga sa bahay nyo" sabi nito ng makapasok na sa bahay "buti pinayagan ka ni Christine mag inom"

"wala ngang pakialam sa akin noon makita akong may dalang alak, nilampasan lang ako"

"oh, now i know kung bakit ka nag ayang uminom"

"Di ko nga alam kung bakit galit na gait sakin ang asawa ko, di ako pinapansin at di pa umuwi kagabi, sabi ng anak ko ay nakitulog daw sila sa Ninong Bim nya. Sh8 Ditan alam mo ba yung takot ko kagabi noon di ko sila maabutan sa office at dito sa bahay?" ani ko sabay inom ng alak.

"wala kang ediya bakit ganya sayo si Christine?"

"meron syempre hindi ako agad nakauwi at naiwan ko sila sa office may promise pa naman ako sa kanila kahapon na mag d-dinner kami sa labas"

"nag bukas ka na ba ng facebook mo buong araw or nanood ng news" tanong pa nito, ano naman kayang kinalaman ng Facebook at news sa problema ko

"Ano naman kinalaman nyan sa problema ko. wala akong time kanina dahil nagiisip ako kung san ko pa pwedeng hanapin mag-iina ko"

"Oh kaya wala kang idea kung bakit ganya sya sayo ngayon" sabi ni Ditan. Maya maya lang inabot nityo sa akin ang cellphone na, nagtataka man ay inabut ko na din. "Tignan mo yan post na yan sa isang website, according to the news, kaya daw hindi matutuloy ang kasal mo sa sikat na international model na si Kezia dahil dyan sa babaeng kasama mo sa picture"

Tinignan ko ang article na tinutukoy ni Ditan. Sa unang picture ay isang sweet na couple na nag sasayaw sa gitna ng karamihan ng tao, the second photo sila pa din non babae na nakilala ko sa party kagabi, masayang nagkwekwentuhan ba halos magkadikit na ang muka at ang mas malaking photo ay yung picture na bigla akong hinalikan non babae kagabi, Sh8 nakita ba tong lahat ni Christine. Di ko na maalala yung name noon babae pero alam ko anak sya ng isang ka meeting ko kagabi.

"So malamang yan ang dahilan kung bakit galit sayo ang asawa mo, balita ko nga kay Ron kanina nanakalimutan mo daw balikan ang asawa mo" nakakaluko itong tumingin sa akin atsabay inom ng alak." so Pinsan kamusta naman yung babaeng kahalikan mo kagabi? magaling ba? bigay mo na sa akin may asawa ka na naman" sa ins ko ay binato ko sya ng can beer na wala ng laman.

"Gago mahal ko ang asawa ko" sigaw ko rito.

"Joke lang naman pinsan, ang seryoso mo kasi" sabi nito at sumeryoso na din ng anyo "Pero tingin ko mahihirapan ka na naman dyan sa asawa mo, tandaan mo wala pang isang buwan ng lumipat kayo dito, idagdag mo pa yung hindi pa tapos na imbistigasyon sa nasunog nilang bahay at sa aksidente mo. Terrence hindi naman lingid sa iyo ang mga pinagdaanan ni Christine noon wala ka, mag isa nyang pinalaki ang mga anak nyo, sabi pa nga nya noon una takot na sya, tapos ito pa gagawin mo, bakit kasi hindi ka nag iisip Terrence"

Sacrifice of a Woman [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon