Chapter 18

413 6 0
                                    








Felicity's POV



Nasa Canada ako ngayon may family business meeting kasi. Mag-dadalawang linggo na akong nandito at sa paglipas ng panahon natatakot na ako. Sinabi ni Ate Jasmine sakin ang totoong kalagayan ni Labz. Matagal na rin ng malaman ko yun. Kaya lang noong nakaraang linggo pinuntahan nya talaga ako dito para pilitin ko daw si labz na magpagamot. Ang problema lang naman kasi ay hanggang ngayon hindi pa rin sinasabi ni labz ang tungkol sa sakit nya sakin.

Hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Gustuhin ko mang umuwi ngayon ay hindi naman pwe-pwede. Marami pa akong dapat tapusin dito. Hindi naman sa mas inuuna ko ang business namin kaysa sa kanya. Kaya lang gusto pa kaming makasama ni lola at lolo dahil alam ko na matagal na panahon din ang lilipas para magkita-kita ulit kaming lahat. Siguro naman maiintindihan ako ni Labz.

Natatakot na ako sa mga posibilidad na pwedeng mangyari sa pagitan naming dalawa at sa kondisyon nya. Natatakot akong mawala sya sakin. I'll risk everything for him...

Pero bakit ganun, feeling ko may kulang pa rin... Hindi pa rin sapat lahat ng effort ko para sa kanya. Parang may kulang palagi sa aming dalawa... Sa relasyon namin. Ako ba ang mali o ang relasyon naming dalawa ni Labz. Ang daming bagay na gumugulo sa isipan ko mula ng maging kami hanggang ngayon. Feeling ko nga sasabog na itong ulo ko ng wala sa oras kakaisip sa mga bagay at tanong. Sumasakit na nga ang ulo ko ng sobra.

Nagtungo na lang ako sa higaan ko at inihiga ang katawan ko... Maya- maya pa ay bigla namang tumunog ang cellphone ko.



"Labz? I miss you."

Masiglang bati ko sa kabilang linya. Hays... Kahit papano gumaan ang pakiramdam ko dahil sa boses nya.

"Kailan ang uwi mo?"

Seryosong tanong nya sakin.

"Bakit? Miss mo nako noh?"

Pangungulit ko sa kanya.

"Just answer my question."

Seryosong saad nya.

Nagulat naman ako sa pagsagot nya sakin. Galit ba sya o ano?

"Sa totoo nyan... Mukhang matatagalan pa ako dito Labz eh."

Malungkot kong sagot sa kanya.

"There's something I need to tell you pagdating mo... So please come back soon... I'll hang now bye."

Seryoso at nagmamadaling saad nya. Ewan ko ba parang may mali ngayon kay labz. Siguro nag-oover think lang ako. Plano ko kasi talagang bumalik sa araw ng anniversary namin para surprise na din para sa kanya.

+School+

Someone's POV


Nakaupo na naman sya sa harap ng magagandang hardin sa paaralang pinasukan nya noong nabubuhay pa sya. Namimiss nya ang mga panahong kasama pa nya ang mga matatalik nyang kaibigan ngunit hanggang ala-ala nalang ang lahat para sa kanya. Nakakalungkot man maalala ang mga naging nakaraan nya wala na syang magagawa dahil tapos na ang mga oras nang pamamalagi nya sa mundong ito.

May bigla namang nakakuha sa atensyon nya. Dalawang babaeng masayang nag-uusap sa damuhan doon mismo ang lumang library na ngayon ay naging school garden na ng paaralan.

"Nakakapagod talagang mag-aral."

Pagrereklamo ng isang babaeng nakaupo sa kanang banda.

The Gay I'll Never ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon