MASKI siya ay hindi makapaniwala. Sa loob lang ng dalawang araw ay naglilipat na siya ng gamit niya mula sa pastry shop patungo sa bagong bahay niya.
"Dahan-dahan lang, Manong." Paalala niya sa isa sa mga nagbubuhat ng gamit niya papasok ng bahay. "Sa may kusina po ang stove na iyan."
"Patti, what's with the mask and shades?" Nakakalokong tanong ni Mika sa kanya nang makitang nagsusuot siya ng shades at disposable mask sa mukha.
"Wala. Masama lang ang pakiramdam ko." Natatakot kasi siya na baka bigla siyang makita ni Simon. Ang totoo kasi ay hindi pa siya handang makipag-usap dito. Mag-iipon pa siya ng lakas para harapin ito.
"Nakuhh! Bahala ka na nga. Ang importante ay nakalipat ka na. Pasasaan ba't magkikita rin kayong dalawa dito... Tapos..." Iwinagayway nito ang dalawang kamay sa hangin. "Can't you see that I'm the one who understands you? Been here all along so why can't you see... you belong with me... you belong with me."
Natawa na lang siya sa kakengkoyan ng kaibigan. Hindi pa rin pala nito nakakalimutan ang theme song niya para kay Simon. Mabuti na rin iyon at gumaan-gaan ang pakiramdam niya.
Nang matapos ang pagpasok ng mga gamit niya ay doon na siya nakapagpahinga. Ang iisipin na lang niya ay ang pag-aayos ng mga ito.
Tiningnan niya ang relo. Lampas ala sais na pala ng gabi. Kanina pa nakauwi si Mika dahil may anak pa itong aalagaan.
Tinawagan na rin niya ang cashier nila sa La Spésa na si Zenny. Ito kasi ang pinagkakatiwalaan nila tuwing wala sila ni James roon. Nakapagsara na raw ito ng shop at pauwi na. Naging panatag na ang isip niya at naisipang magpahinga. Pumasok siya sa loob ng kwarto hanggang sa dalawin ng antok.
Nagising na lang siya dahil sa kakaibang ingay mula sa labas ng bintana niya. It seems like a squeaky sound of shoes on the floor. She tried to cover her head with a pillow to lessen the noise but it's not working.
Tuluyan na nga siyang nagising. She looked at her cellphone to check the time. It's already 5:30 in the morning. Mahaba na rin pala masyado ang tulog niya. Bumangon na lang siya para i-check ang kakaibang ingay mula sa labas ng bintana niya. She slowly opened the window and felt the cold breeze brush her face. Masarap sana ang pakiramdam na iyon, kaya lang isang tanawin mula sa labas ang nagpabigla sa kanya.
Sheeet! Parang déjà vu lang ang napapanood niya ngayon. Just like years before, someone is outside her window and playing basketball early in the morning.
It's Simon.
Hindi pa rin pala ito nagbabago ng habit. Naglalaro pa rin ito ng madaling araw at ganoon pa rin ang suot nito. But the usual wife beater and shorts looks better on him now than before. Maaaring dahil sa mas matangkad na ito at mas formed na ang muscles. Pero isa lang talaga ang hindi nagbabago. Seeing him early in the morning makes her heart still beat crazily.
Hoy Patti. Hindi ka na high school ha! She reminded herself.
Ang nakakainis lang hindi talaga niya maiwasan ang ganoong pakiramdam. Kinikilig pa rin siya sa presensya nito.
Bigla niyang naalala ang tinitimplang plano ni Mika para sa kanilang dalawa ni Simon. Kakayanin kaya niya? She has promised him that she won't bother him anymore. Paano kung magalit muli si Simon sa kanya tulad noon? Masasaktan lang siya muli.
Her friend's words echoed in her head as she glanced at Simon who's still busy practicing. Isa lang ang buhay na meron tayo. Kaya bakit hindi natin gawin lahat ng gusto natin? Gumawa tayo ng sariling tadhana?
"Hay naku... Ba't ba kasi ang lakas ng tama ko sa'yo, Mr. Incredible?"
BINABASA MO ANG
Breaking His Defenses (COMPLETED /raw version Published under PHR)
RomanceEbook format available at: https://preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/1782/Breaking-His-Deffenses Teaser: "Nasa akin na ang pinakamaganda at pinaka-sweet na babae sa balat ng lupa. Kaya mamatay sila sa inggit." Nine years old pa lamang si...