Chapter 4 The Result

19.4K 404 20
                                    

Chapter 4 The Result

Kenzie's POV

     Pag gising ko kinabukasan ay wala sa tabi ko si Tamara. Bumangon ako at hinanap ito. Hindi ko siya makita ay tinawagan ko si Manang sa baba. Pero hindi naman daw nila ito nakitang bumaba.

     Pagkabihis ko ay dumiretso ako sa tapat na kwarto, kung saan nandoon ang kwarto ni Tamara. Pagbukas ko palang ay nakita ko na ang natutulog na Tamara. Matagal kung pinagmasdan ang mukha nito. Bakit parang hindi matanggal ang pagkakangiti ko pag nakikita ko siya. Para siyang magnet na pwede akong hilain ano mang oras.

     Palabas na sana ako ng mahagip ng mata ko ang Picture na nakakalat sa kama nito. Maingat ko itong kinuha at pinagmasdan. Tumingin ako sa mukha ni Tamara at sa taong nasa picture.

     "Siya siguro ang nanay mo. Alam ko na kung saan ka nagmana ng kagandahan. Dito lang pala sa mommy mo eh. Maswerte ka dahil nakilala mo pa ang mommy mo. Hindi katulad ko na simula nong pinanganak ako hindi ko na nakagisnan ang mommy ko." Pagkababa ko ng picture ay nagtungo na ako sa pinto para lumabas. Binigyan ko pa siya ng isang linggon pagkatapos isara ang pinto.

Tamara's POV

     Naramdaman kung pumasok si Kenzie sa loob ng kwarto ko. Hindi na kasi ako nakatulog mula nong lumipat ako ng kwarto kaninang madaling araw. Nagkunwari lang ako nong pumasok si Kenzie dito sa kwarto ko. Ang tagal niya akong tinitigan. Jusko kala mo kakain niya ako ng buhay. Nagulat pa ako nong kunin nito agn picture ng mama ko Tinignan niya at pangiti ngiti pa ito.

     Pero kita mo sa kanyang mata ang lungkot. Parang mayroong kwento ito. Dapat ko itong alamin.

     8am na nong naisipan kung bumangon, dahil tinatamad pa talaga ako, pinilit ko lang dahil baka akyatin na naman ako ng magaling kung boss.

     Pagbaba ko nakita ko kaagad si Kenzie na may kausap sa labas at galit na galit ito.

"Manang galit po ba yung amo nyo?" tanong ko sa maid nila na nag aayos ng pagkain sa mesa.

"Naku routine na ata yan ni Sir, kung hindi umaga mamayang tanghali ganyan yan, alam mo ba laging may sinisisante si Sir, pagnarinig nyang pinag uusapan siya. Naku Sesante ka na agad agad. Kaya nga tinitikom ko ang bibig ko baka mamaya ako naman ang sisantehin niya. Kaya ikaw wag na wag mo siyang pinapakialaman baka mamaya...." bigla kaming napatingin sa likod namin.

Biglang tumalima ng lakad yung katulong nito at nagpunta sa kusina. Ako naman ay umayos ng upo at di makatingin sa kanya ng deritso.

"Kamusta ang tulog mo? paggising ko wala ka na sa tabi ko." waaaaaaaaaaa bakit kailangan nyang ipaalala iyon. Pwede bang fast forward nalang.

     "E-eh hindi kasi ako sanay ng may katabi sa kwarto. Kaya lumipat nalang ako sa kwarto ko. Mas comfy kasi." sabi ko sa kanya.

BEAR MY CHILD (KimXi Fanfic) COMPLETEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora