13

31 0 0
                                    


Blaze's POV

Agad kong pinaharurot ang kotse ko papunta sa bahay nila Sandra para tingnan kung nandon pa si Blaire.

Bakit ba kasi pa-importante pa 'yong taong 'yon.

Sa totoo lang ay wala talaga 'kong pakialam kahit na abutin s'ya don hanggang bukas.

S'ya rin naman ang may kasalanan. Sinabi na nga ni Sandra na bukas pa ng umaga tapos nag pa-una na s'ya.

Ganon ba kahirap intindihin 'yon?

Nakarating na rin ako sa tapat ng bahay nila. Hindi na 'ko bumaba ng kotse ko ,sa halip ay sinilip ko nalang kung may iba bang tao don.


"Siguro ay umalis na s'ya kanina pa. " nasabi ko pagkatapos ay pinaandar na ang kotse.

Nakabalik na rin ako sa bahay.

Sandali kong pinark ang kotse ko at pinagbuksan naman ako ng isang maid.

"Kanina pa po ka'yo hinihintay ni Ma'am Sandra ,Sir." kumunot ang noo ko.

Sinabi ko ay matulog na s'ya. Tss ,ang kulit talaga ng babaeng 'yon.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto.

Naabutan kong binabantayan ni Sandra si Sandro.

"Blaze." mahinang usal n'ya.

"Anong nangyari? Nandon pa ba s'ya? Umalis na?" sunod-sunod na tanong n'yang pabulong

"Wala na. Siguro ay umalis na kanina pa." naka-ngiting sabi ko rito.

Tumabi ako sa kan'ya.

"Bakit hindi ka pa natutulog. Madaling araw na ka'ya."


"H-hindi na kasi ako naka-tulog nung nagising si Sandro at lumipat d-dito." napa-tango nalang ako sa sinabi n'ya.


"Sige. Matulog ka'na. Dito lang ako. Babantayan ko ka'yong dalawa."


Hindi ko lubos maisip kung bakit nagkagusto ako sa babaeng 'to.


Ang akala ko lang ay habang buhay na kaming mag aaway at mag babangayan dahil don sa lamesa't upuan na sinira n'ya.


Pero nagkakamali pala ako.


Hindi ko nalang namalayan na unti-onti na pala 'kong nahuhulog sa kan'ya at hindi ko alam kung kelan n'ya 'ko balak saluhin.


Hindi ko pa s'ya natatanong sa mga bagay na 'to dahil alam kong hindi pa rin s'ya handa.


At hindi pa rin ako handang malaman kung anong isasagot n'ya.


Simula nung bata ako.  Palagi nalang ako ang nag re-reject sa ibang babae.


Simple lang ,hindi ko sila gusto eh.


Pero iba na ngayon. Ibang-iba na. Kusa nalang tumibok 'tong puso ko para kay Sandra at hindi ko alam kung eto na ba ang ka-una unahang rejection na mangyayari sa buong buhay ko.


Maghihintay nalang ako ng tamang panahon para ipagtapat sa kan'ya ang nararamdaman ko.


Ayokong ma-reject. Hindi ko pa alam kung anong pakiramdam non ,pero alam kong masakit.


Lahat kasi ng babaeng ni-reject ko ay umuuwing luhaan. At 'yong iba pa nga ,sunod pa rin ng sunod sa'kin.


Ganon din ka'ya ang mararamdaman ko kung saka-sakali?


Wag naman sana.


Pakiramdam ko ay hindi ko kakayanin kapag nawala s'ya sa buhay ko.


"Sometimes ,I wish I could read your mind to find out how you really feel about me." naiusal ko nalang habang hinahaplos ang ilang hibla ng buhok n'ya.



--


Sandro's POV


"WAAAAAAAAAAA!"


"JUSKO! ANO 'YON?! MAY SUNOG BA? MAY SUNOG?!" napa-balikwas ng bangon si Nanay Sadra.


"Nako ,wala po." epic talaga 'tong si Nanay ko kahit kelan.


"Ha? Eh bakit ka sumisigaw?" nagtatakhang tanong nito.


"Kasi po. Umaga na ,nasanay po kasi ako na kapag ala-sais pa lang ,nangangalakal na." paliwanag ko kay Nanay.


"Ahh. 'Kala ko naman kung ano n--


"Wait..."napa-tigil si Nanay.


"Bakit po Nay?" naka-ngiwing tanong ko sa kan'ya.


"Nasan ang T-tatay m-mo?" tanong nito sa'kin.


"Ahhh! Nasa baba po si Tatay ,nag-aayos na po ng sarili n'ya." halos mabilaukan si Nanay dahil sa sinabi ko.


"Jan ka lang! Maliligo lang ako! Jusko!" ano bang nangyayari kay Nanay? May pasok ba sila ni Tatay?


Bumaba nalang ako kay Tatay at nakita ko itong kumakain na.


"Come here, son." kumunot ang noo ko sa sinabi ni Tatay.

Son daw? Sino 'yon?


"Sino pong son ,Tatay? Sandro po ang pangalan ko ,hindi son." paliwanag ko dito at tumawa lang s'ya.


"Nasan ang Mom--- Nanay mo?" nako ,hinahanap ni Tatay si Nanay. Yieeee


"Yieee ,bakit po?" kinikilig ako sa kanilang dalawa. Hihi


"W-wala ... kumain na ta'yo ,anak." sabi n'ya pero hindi ko 'to napansin.


"WOW! ANG GANDA NAMAN NITO ,TATAY!" tumakbo ako papalapit don.


Para s'yang pinto. Kaso nga lang ,dalawa. Isa sa taas at isa sa baba. May hawakan din s'yang pahaba at nung binuksan ko ,grabe talaga! Ang lamig sa loob!


"That's refrigerator ,anak." napa-tango tango ako.



"Ahhh. Pijereytor?" natawa na naman sa'kin si Tatay.


Ano ba kasing nakakatawa? Ang gwapo ko ka'ya.


"Iuuwi ko na 'to ,Tatay!" biro ko sa kan'ya at binuhat ang malaking pijereytor daw.



"Uh-Oh! Wait!" sigaw ni Tatay sa'kin.


Tawa lang ako ng tawa hanggang sa maibaba ko ang pijereytor.


Parehas silang epic ni Nanay. Bagay na bagay talaga sila. Hahaha!


"Blaze!" napa-tingin kaming dalawa ni Tatay sa pababang si Nanay.


"Dapat po hindi Blaze ang tawag n'yo kay Tatay." sabi ko kay Nanay.


"A-ahhh .... eh ano pa dapat?" kinakabahang tanong nito.


"Honey po." kinikilig na sagot ko.


"S-sige ..."


"H-honey ..... t-tara na." kinikilig ako kay Nanay nung tinawag n'ya ng 'honey' si Tatay.


"Hala si Nanay! Namumula!" sigaw ko dito.


"H-ha?" nauutal na tanong nito.


"Umakyat kana sa kwarto ,Sandro. May pasok pa kami ng Tatay mo. Ipapasyal ka nalang namin mamaya pag uwi. Okay? Wag kang magpapasaway kay Yaya Ina." ginulo pa ni Nanay ang buhok ko.


"Sige Nanay. Ingat po ka'yo ni Tatay." naka-ngiting paalam ko sa kanila.



Gagala kami mamaya! YEHEYY!!!! HAPPY FAMILY!!!


--



Strong Woman (On-Going)Where stories live. Discover now