(1)

8.9K 148 1
                                    

A/N:

WARNING: SPG! SPG! SPG! Kailangan po sa kwento kaya sorry :(

___________________________ 

(1)

HONEYMOON

Napahagikhik na lang ako nang bigla akong buhatin ni Whimper. Hindi kami lumabas ng bansa o nag-out of town para sa aming honeymoon. Dito kami sa bagong bili niyang condo magpupulot-gata. Halos mahulog ako sa pagkakabuhat niya nang makita ko kung gaano karangya ang kanyang unit na binili para sa amin.

Siyempre, nadaanan namin ang kanyang sala. Sa sala ay naandoon ang kuha namin na kasing laki ng 52 inches niyang flatscreen. Kuha iyon noong mga highschool pa lamang kami sa loob ng kwarto ni Whimper. Hindi ako makapaniwala na naitago pa rin pala niya ang litratong iyon na siya siguro niyang pina-upload ng ganito kalaki.

"Ayy!" Napatili na naman ako ng daganan agad ako ni Whimper pagkatapos akong maingat na ihiga sa kama.

"I love you so much, Wifie!" Malambing na sabi niya habang nagniningning ang mata. Hawak niya ang aking magkabilang pisngi para siguro hindi ako mapalingon sa iba. Ang mga mata niyang kapag tumitig sa akin noon ay parang hinihigop ang aking kaluluwa. 

"I love you, Hubby!" Malambing na sagot ko at binigyan siya ng isang matamis na ngiti sa labi. Ngayon ay nasisiguro kong akin na siya talaga.

"Hindi ako makapaniwala na pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan natin ay sa akin ka na ngayon." Baritonong boses na sabi niya. Bakit ba ang sexy ng boses ni Whimper? Nakakawindang! Nakakagulo ng katinuan!

Inilapit niya na ang mukha niya sa akin at binigyan ako ng magaan na halik sa labi. Itinuon niya ang kanyang mga siko sa magkabilang gilid ko na para bang ingat na ingat siya na maipit ako. Naiyakap ko na lang ang mga kamay ko sa batok niya. Gad! I really love this guy!

Tumigil kami sa paghalik sa isa't-isa at pinagdikit niya ang mga noo namin. Ramdam ko ang marahas niyang paghinga na alam kong tulad ko ay excited na rin siya sa gagawin naming honeymoon. Dahil ngayon ay may lisensiya na kaming ipakita at iparamdam kung gaano namin kamahal ang isa't-isa. Hindi tulad noong mga estudyante pa lang kami.

Laking pasasalamat ko sa ngayon dahil malakas ang control ni Whimper noon. Dahil kung ako lang ang aasahan niya, malamang ay matagal na kaming may anak. Kung bakit naman kasi kapag nasa tabi ko siya nawawala ako sa tamang prinsipiyo? Hindi ko na naiisip ang tama at mali? Basta ang mahalaga na lang sa akin ay ang tinitibok ng puso ko?

Iyong kamay ni Whimper ay itinaas niya ng bahagya. Pinaglandas niya ang kanyang daliri sa labi ko. Napapikit na lang ako ng mariin dahil halos manginig ang katawan ko sa kilig. Nakakawala ng ulirat ang mga haplos niya. Ganito ata talaga kapag mahal na mahal mo ang taong kasama mo.

"Masayang-masaya ako na magkasama na tayo ngayon. Alam kong 25 anyos palang tayong dalawa, pero ang pinagdaanan ng relasyon natin ay hindi pangkaraniwan." Sabi niya at inalis na ang kamay niya sa aking lips at hinalikan ako ng isang mabilis sa labi. Nakakabitin naman eh! Ang daya ni Whimper!

The MarriageWhere stories live. Discover now