Chapter 1

15.9K 160 17
                                    

Note: This is the raw and unedited version.

Teaser:

Jamaica almost lost half of his life when her fiancé died on an accident. Sa lahat ng sakit na dulot ng mga nangyari ay lumayo siya sa lugar na nagpapaalala sa kanya ng mga mapapait na alaala. Napunta siya sa Heart's Coffee Date o HCD, ang pinakasikat na coffee shop sa bansa at nagtrabaho bilang isang Patissier.

Inaasahan niyang magiging tahimik ang kanyang buhay roon. But when she thought she's right, she was wrong. Dahil ang tahimik na buhay niya ay ginulo ni Ydalv, ang lalaking dinaig pa ang stalker kung sundan siya. The man obviously likes her. But she made a promised to stay in love with her fiancé forever.

What she will do now if Ydalv turn her sadness into happiness, those embraces into smiles and those kisses into love? Is she willing to open her heart once again? Is she willing to let go and love again?

HEART'S COFFEE DATE SERIES 3

A CHOCO-CHASE LOVE STORY

By: Saab de Andrade

PROLOGUE

"PAALAM na... Rafael." Mahinang usal ni Jamaica habang puno ng luha ang kanyang mga mata. Dahan-dahan siyang lumuhod at sa nanginginig na mga kamay ay hinaplos niya ang lapida ng namayapang kasintahan.

Isang taon na ang lumipas buhat ng mawala ito sa kanya. Pero nandoon pa rin ang sakit na tuwina ay lumulukob sa kanyang puso.

"Sana marunong ding magka-amnesia ang puso para makalimutan ko na ang sakit na dulot nito," mapait na sabi niya.

Alam niyang kahit anong gawin niya ay patuloy mananahan sa kanyang puso ang pait na dulot ng pagkamatay ng kanyang nobyo. Wala siyang ibang minahal kundi si Rafael. Her childhood sweetheart. Pero sa mahabang panahon na pagsasama nila ay sinubok sila ng tadhana. Hanggang sa dalhin siya sa pinakasukdulan nito. Ang pagkawala ni Rafael dahil sa isang car accident ang pumatay sa kanyang puso.

Sa pagkawala ng kanyang minamahal ay naging malungkot ang buhay niya. Para siyang patay na nabubuhay sa mga alaala. Napapikit siya ng maalala ang gabing iyon. Ang sunog na katawan ni Rafael ay parang bangungot na nakakintal sa kanyang isipan. Siya lamang ang nakakaalam ng lahat ng pangyayari ng gabing iyon. At ang gabing inaasahan niyang magbubukas ng bagong saya sa kanyang buhay ay siyang magdadala sa kanya sa kawakasan nito.

Pinahid niya ang mga luhang muling naglandas sa kanyang pisngi. "Bakit kung kailan ako nagpatawad ay saka naman kukunin sa akin ang taong pinatawad ko? Bakit kung kailan ko inasahan na magiging masaya na ako saka naman kukunin sa akin ang taong magpapasaya sa akin?" Mapait niyang tanong sa sarili.

Napakaraming tanong ang tuwina ay gumugulo sa kanyang isipan.

Ngayong araw ang mismong isang taon ng pagkawala nito ay nais niyang ibaon sa limot ang lahat. Gusto niyang magbagong buhay at kalimutan ang mga mapapait na karanasan. Pero paano niya gagawin iyon kung tuwina ay para siyang hinahabol ng mga sandaling pilit niyang tinatakasan?

Magagawa lamang niya iyon kung tuluyan niyang iiwan ang lugar na nagpapaalaala sa kanya ng mga madilim na tagpo sa kanyang buhay.

Huminga siya ng malalim at tumayo. Pilit siyang ngumiti habang nakatanaw pa rin sa puntod.

"Mahal na mahal kita Rafael. Ikaw lang ang nandito," itinapat niya ang isang kamay sa kanyang dibdib. "Pangako, hinding-hindi ka mawawala sa isip at sa puso ko."

Tumalikod siya at naglakad palayo. Now she said goodbye, but all the memories of her love for him will be forever in her heart.

CHAPTER ONE

Heart's Coffee Date SERIES 3 (COMPLETED)Where stories live. Discover now