Chapter 3

6K 99 3
                                    

CHAPTER THREE

NAPAURONG si Jamaica sa paglalakad nang makita ang isang lalaking nakasandal sa gilid ng kotse nito na mukhang may hinihintay. Saglit siyang natigilan, hindi siya maaaring magkamali. Ang lalaking ito ay ang nagpakilalang Ydalv kanina sa kanya sa HCD. Sino naman kaya ang hinihintay nito at gabing-gabi na?

Naalala niya ang paghawak nito sa kanyang pisngi. Bakit hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang lambot ng kamay nito sa kanyang pisngi? Ipinilig niya ang ulo, hindi dapat niya isipin iyon.

Pauwi na siya. Mula alas-dos ng hapon hanggang alas-onse ng gabi ang pasok niya. Sanay na siya sa ganoong schedule sa dati niyang pinagtatrabahuan kaya hindi mahirap para sa kanya ang mag-adjust. Napakaraming nangyari sa kanya ngayong unang araw niya sa HCD. Nakakapagod dahil sa dami ng customers sa HCD pero masaya dahil marami siyang nakilalang bagong kaibigan.

Huminga siya ng malalim at aakto na lamang siyang hindi niya ito nakita. Pero paano niya gagawin iyon kung ang kinaroroonan nito ay saktong ang tanging daan na pwede niyang daanan? Bahala na! Anang isip niya. Mukhang may hinihintay namang iba ang lalaki kaya hindi na lang niya ito papansinin.

Kipkip ang kanyang bag ay nagpatuloy siya sa paglalakad.

"Jam!"

Ngunit narinig niyang tawag sa kanya hindi pa man niya ito nalalagpasan. Napapikit siya, paanong nakilala pa siya ng lalaking ito? Tanong niya sa sarili. Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy siya sa paglalakad.

"Jamaica!" Ulit na pagtawag nito sa kanya.

Doon na siya napatigil sa paglalakad. Bakit alam nito ang buong pangalan niya? And the way he said her name was so sweet. Sa kanyang gulat ay nasa harapan na niya ang lalaki. He was smiling beautifully while looking at her. Why his smile is so damn sexy? Napakaganda ng mga mapupungay nitong mata at mahahabang pilik. She wanted to touch his eyes but she doesn't have the guts to do it. Ano ba itong nangyayari sa kanya?

Kinalma niya ang sarili at umurong ng kaunti. Masyado na kasing malapit ito sa kanya.

"Ako ba ang kinakausap mo?" masungit na tanong niya rito.

Tumawa ito. Damn his laugh! It was sexier. Lalo itong kumisig, napakalapad ng katawan nito na tila batak sa ehersisyo at napagtanto niyang matangkad ito. Tila nanging pandak siya sa kanyang height na five feet and six inches. Sa kabuuan, aaminin niyang gwapo ang lalaki. Bakit ba ang dami niyang napapansin sa lalaki? Naiinis na siya sa kanyang sarili.

"May ibang tao pa ba rito?" Naglalaro ang isang pilyong ngiti sa mga labi nito. Nagpigil siya sa pamimilosopo nito. Waring nakita nito ang inis niya. "Oo, ikaw nga. Jam ang pangalan mo hindi ba?" nakangiting tanong pa nito.

"Oo," mabilis niyang sagot. "Do I know you?" masungit niyang tanong.

Sa kanyang gulat ay tumawa pa ito ng malakas. Ano bang nakakatawa? Ngalingaling batukan niya ang lalaking ito.

"Oh common!" Waring 'di ito makapaniwala sa kanyang reaksyon. "Hindi mo ba ako natatandaan Jam?" waring di makapaniwalang tanong nito. "Ako si Ydalv, isa ako sa mga kasama ni Lewis kanina at ikaw," turo nito sa kanya. "Ang isa sa mga nag-serve ng pagkain at inumin namin kanina."

Nagkibit balikat siya. Oo kilala niya ito, paano niya makakalimutan ito? Pero kailangan niyang pangatawanan ang unang reaksyon.

"Bakit kilala mo pa ako?" hindi na niya napigilang itanong.

Heart's Coffee Date SERIES 3 (COMPLETED)Where stories live. Discover now