CHAPTER16
*pak!*
inaasahan ko na mangyayari to. nalaman ni Kana ang nangyari sa rooftop dahil kay Miji at ngayon sinampal nya saken yung mga
picture namen ni Nikko nung nasa rooftop kami.
"how dare you!"
"biglaan yung nangyari kaya--"
"biglaan?? pero hindi mo sya pinigilan!"
"Kana.. kung gusto mong mangyari ang gusto mo hayaan mo ako sa mga ginagawa ko."
"w-what?? what are you talking about??"
"just let me.. hold his hand, hug him and kiss him."
"ano?? hah! are you crazy?? no! hindi pwede!"
"pero pano sya maiinlove saken kung distant ako sakanya?? dont worry wala yung malisya. at wag ka ring magalala dahil hindi
mangyayari ang ikinakatakot mo. hindi ako maiinlove sakanya."
"dapat lang dahil nanay mo ang mananagot! fine! do what you want! but mark my words. hindi sa lahat ng oras pwede mo yung gawin. gets mo??"
pagkatapos nameng magusap umalis na sya. kung may consequence ako sya meron din. at yun ay ang masaktan sya.
*********
"mama... mama..."
nilapitan ko si Nikko sa sofa kung saan sya natutulog ngayon. kanina pa syang nakahiga jan at kanina pa rin nyang tinatawag
si tita. siguro kasama sa panaginip nya si tita.
nang makita ko ang lagay ni Nikko nanlaki nalang ang mata ko ng may luha ng tumutulo sa mata nya tapos pinagpapawisan na rin
sya kaya hinipo ko yung noo nya. geeez! may sakit na pala sya ehh!
"Nikko gising... Nikko.."
"hmmmm??"
"ang taas ng lagnat mo. tara aalalayan kita papunta sa kwarto mo."
tinulungan ko syang tumayo at inalalayan hanggang sa makadating kami sa kwarto nya. grabe! ang init init nya!
pagkahiga ko sakanya lumabas na ako para kumuha ng towel at warm water. nagluto na rin ako ng porridge hindi pa kasi sya
naglalunch. mas better ang porridge sa mga taong may sakit.
pagkatapos kong ihanda ang mga kailangan ko umakyat na ulit ako at pumunta sa kwarto nya. gising pa sya kaya inalalayan ko
naman syang umupo para kumain.
"kaya mo bang kumaing magisa??"
tiningnan nya lang ako ng masama. ahh ok alam ko na.. bakit ba nagtatanong pa ako? -____-
hinipan ko yung porridge saka ipinakain sakanya. wala syang buhay ngayon kaya ako na yung nagpapakain sakanya. para tuloy
nagaalaga ako ng batang may sakit.
pagkatapos nyang kumain humiga na ulit sya. pinunasan ko yung katawan nya ng towel. dont get me wrong yung upper part lang
naman yung pinunasan ko. hindi po ako maniac.
pagkatapos ko syang paltan ng damit aalis na sana ako kaso bigla nalang nyang hinawakan ang kamay ko.
"wag mo akong iwan."
BINABASA MO ANG
Substitute Girl
Teen FictionLife has many boundaries. Love has its limitation and everything happened to us has its own explanation. we have our own life that only us can changed it but what if there's someone who do it for you?? is there's a chance for you to bring back your...