Poet 1

47 2 0
                                    

Panandalian Saya,
Panandaliang pagluha,

Naalala mo nung first day of school? Naaalala mo ba?
Ako'y napatunganga sayo, At ika'y kumakausap sa iyong bagong mga barkada.
Napangiti ako ng buong buo,sa sobrang hanga ko sayo.
Hindi ko alam ang gagawin ko.
Sa iyong taglay na kagwapuhan napaisip ako.
Kung magpapapansin ba sa isang tulad mo.
Pero itinigil ko ang nararamdaman kong iyon.
At napaisip,Baka kung ano pa ang masamang mangyare pag nagkataon.
Dumaan ang mga araw, at mga buwan.
Nagkarelasyon sa iba na hindi alam ang dahilan.
Pero hindi gumana ang relasyon na pinasukan.
Dahil ikaw ang iniisp kahit man tag-init o tag-ulan.
Di ko inakala na ikaw na talaga
Pero ang alam ko ikaw lang ang laman ng puso ko at wala ng iba.

Sa sobrang ingay ng barkada
Nalaman mo tuloy na mahal kita
Ngunit di mo alam ang pangalan ko
Bakit ganon? Mukha ko lang ang alam mo?
Pero kahit ganon.
Sobrang saya ko nong nalaman mo.
Pero may halong kaba baka hindi mo ako mapansin
Nagkamali ako ng akala at ako'y pinansin mo rin.
Nagpapansinan,
Natutuksuhan.
Sobrang saya nung araw,sobrang saya.
Pero bakit bilang lang ang saya?
Kasi nung dumating ang araw, yung araw na kinamumuhi'an ko na.
Napaiyak ako ng sobra sobra nung nalaman kong ang bestfriend ko ang laman ng iyong damdamin.
Umasa ako, at pinaasa mo rin.
Kasalan mo to! kasalanan natin to!
Kung di mo ako pinaasa sana man lang tinulungan mo ako.
Makabangon sa hukay na ibinaon mo.
Sinabihan mo man lang sana ako na "tama na, tama na ang pagpapakatanga"
Pero wala, hinayaan mo ako at ako'y pinatuloy ko pa.
Kung di dahil sa iyong mha barkada na ako'y binola-bola
Sa mga katotohanang di kapanipaniwala.
Di sana ako mahuhulog sa iyo o aking mahal.
Sabihin mo lang kung bored para
Para makapaghanda manlang ako o aking sinta
Hanggang sa isip ay di ka mabura
Kahit sa kainan ay lumuluha dahil mahal kita
Pinayuhan ng barkada
Sinabihan wala kang pag asa
Napaisip ako at napagtanto
Na hindi sa lahat ng oras na dapat ang puso mo ang pakay ko.
Iisipin ko nalang kung paano mo ako sinaktan at pinaasa.
Dahil ako din ay isang tinaguriang tanga.
Dumaan ang ilang araw
Itinuon ang atensyon sa iba Naka move on, at hindi kana iniisip pa.
Sa pinagdaanan kong sakit at hirap
Napagtanto ko na isa lamang iyong panandaliang saya,
Na nagdulot saakin ng panandaliang pagluha.

Spoken poetryWhere stories live. Discover now