CHAPTER 2 : you

15 0 0
                                    

Chapter 2 : You?

...

Next subject ay Math so may makikilala na naman akong mga students...hindi ko alam kung bakit paiba-iba ng classroom bawat subject...hayyy...hindi ko tuloy makakasama sk Kioshi.....wait what!?

Well.....siguro dahil mabait sakin si Kioshi?...

Si Akira naman....haha..lagi niya akong napapatawa...napapangiti...sa mga ginagawa niyang kalokohan..

"Yah!, Mizu...wait! ". Napalingon naman ako.. Tsk haha...si Akira lang pala....Tumatakbo siya tapos huminto ng makarating na sa harap ko.

"Bakit? ". Hingal na hingal siya oh..tapos pawis na pawis...

"Wait....lang... Phew..wait". Tsk.. Kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ang pawis niya. Ang laki-laki naman nitong lalaki na to, pinapatingkayad pa ako hay.. "Bumaba ka nga ng konti...ang laki mo kasi eh"..natawa naman siya at sinunod ako.

"Bakit mo ako tinatawag? ". Tanong ko, at natapos ko na siyang punasan.

"Ahh... Oo nga pala...ihatid na kita sa room mo".

"Ahh ok".

Naglakad na kaming dalawa papunta sa next room ko.

Ang sweet lang noh..

Sa dati kong school hindi ko naranasan ang ihatid ako sa room..

Nang makarating na kami sa room ko, nag goodbye na siya sakin at naglakad na papalayo. Pumasok na ako sa room na may mga student nadin. Tinignan ko muna sila..yung iba nag-uusapan, yung iba nag lalaro ng cellphone dahil wala pa naman ang teacher...

Napatingin ako sa 4th row sa unahan, yung katabing upuan ng lalaki ay walang nakaupo, kaya naisipan ko na doon nalang ako uupo.

Napatingin ulit ako sa lalaki...pamilyar siya sa akin....

Nanlaki naman ang mga mata ko...... Sa takot....

Keith....

Isa siya sa mga nambully sakin sa dati kong school...ano ginagawa niya dito?.. Sinusundan ba niya ako para mambully ulit..?

Naghanap ako ng pwedeng maupuan pero wala na..

"Hoy papasok kaba o hinde?! ". Sabi ng babae sakin..maarte siya halata naman...

"Ah...oo". Naglakad na ako....

Hindi ko nakita na hinarang niya ang paa niya kaya natalisod ako at napadapa...

Nagtawanan naman siya pati yung limang babae na kasama niya..

Then i heard footstep papalapit sakin.. Tinulungan niya akong tumayo..hindi ko nakikita ang mukha niya dahil nakayuko parin ako.. Hinawakan niya ang kamay ko, tumalikod siya at naglakad pero nahinto dahil sa babae na nantalisod sakin..

"Uy Keith~..bakit mo naman siya tinulungan~?".  (Malanding sabi ng babae). K-Keith?..

Humarap yung lalaki sa kanya at tama nga...si Keith nga..

"Hoy Malanding babae ka... ".nagulat naman yung babae ng tawagin siyang malandi ni Keith... " wag mo nga akong kakausapin! ". And with that..naglakad kami papunta sa upuan ng hawak parin niya ang kamay ko.

Umupo na siya kaya umupo narin ako...sa upuan na katabi niya..

What just happen?.

Tinulungan ba niya ako?..

Wierd huh....

After ng class...tumayo siya at may nilagay na papel sa desk ko tapos umalis na siya.

Kinuha ko naman ito at umalis nadin..

Habang naglalakad ako...binuksan ko na yung papel at binasa ko..

Mizu...pumunta ka mamaya sa gate at hintayin mo ako doon...may sasabihin ako sayu...

P. S.  Kailangan wala kang kasama...

Kinabahan naman kaagad ako sa sinabi niya..

Pumunta ako sa gate at hintayin siya?.. Baka mamaya patibong to?.

Tapos ako lang daw mag-isa?... Hindi ko ata kakayanin to ah.. Ayokong mag isa lalo na kapag siya ang kaharap ko.

Pero siguro wag na akong maging duwag ngayon..

-skip-

Pagkatapos ng LAST subject namin bumalik ang kaba ko..

Lumabas na ako ng room at naglakad na ng makita ko sila Akira at Kioshi..kaya medyo nawala ang kaba ko..

"Kioshi!, Akira! "..tawag ko sa kanila..

Napatingin naman sila sakin at lumapit..

Ok lang ba kung magpasama ako sa kanila?.

"Hello Mizu". Sabi ni Kioshi sabay akbay sakin. "Hi".masayang sabi ni Akira..

"Pwede niyo ba akong samahan? ". Tanong ko.

"Sure, saan". Sabi ni Akira.

"Uhmm...sa gate, i-eexplain ko nalang next time"...hindi naman siguro masama kung magpasama sa kanila eh.

"Bakit naman sa gate lang ah? ". Tanong ni Kioshi.

Binatukan naman siya ni Akira.
"Ouch".-Kioshi

"T*anga, diba sabi nga i-eexplain niya next time, bingi! ". -Akira.

"Eh wag mo akong tawaging t*anga!".-Kioshi

"Tama na yan, tara na". Baka mamaya magsuntukan pa mga to.

Naglakad na kaming tatlo, habang naka akbay parin sakin si Kioshi.
Nakita ko naman kaagad sa may gate si Keith..

Tsk akala ko ba ako maghihintay sa kanya?.

Napatingin naman kaagad siya sakin....at sumama ang tingin..

Huminto na ako ng makarating kami sa harap niya kaya napahinto nadin sila Kioshi at Akira.

"I thought i told you to come alone? ". Iritado niyang sabi.

"I-uh uhmm" ..napatingin sakin si Kioshi tapos kay Keith.

"Ano bang problema mo?! ". Tanong sa kanya ni Kioshi.

"Nevermind, come on Mizu". Hinawakan ni Keith ang kamay ko at hinila ako papaalis pero hinawakan naman ni Akira ang kaliwang kamay ko.

"San mo siya dadalhin? ". Tanong ni Akira.

"Meron lang akong gustong sabihin sa kanya! ". Sagot ni Keith.

"Uh..Kioshi at Akira...magkita nalang tayu bukas sige na umuwi na kayo"...baka mag awayan pato eh.... Dapat talaga hindi na ako nag pasama.

"Hindi, hindi kami uuwi hanggat hindi umaalis yang lalaki nayan".-Kioshi

"Sige na umuwi na kayo, may sasabihin lang siya sakin, sige na pls".
Binitawan na ni Akira ang kamay ko.

"Sige na nga". Tapos umalis na silang dalawa..

"Ano bang sasabihin mo sakin Keith? ". Mahinhin kong tanong sa kanya.

Humarap na siya sakin....

"Mizu..... gusto ko lang sabihin na......sorry sa mga nagawa ko sayu dati....alam ko naging masama ako sayong tao...nasaktan kita sa mga ginawa ko......alam kong hindi ako karapat dapat bigyan ng kapatawaran
.....pero sana mapatawad mo ako"..tapos napaluhod siya... "I'm so sorry Mizu".

Totoo ba to?.

Nagsosorry siya sakin?...

"I forgive you". Napatingin na naman siya sakin at tumayo sabay yakap sakin kaya niyakap ko nadin.

"Pero alam mo.....dahil sa kabaitan mo sa sobrang kabaitan mo...ikaw ang always target ng mga bully....pero salamat ah...". Bumitaw na siya sa pagkakayakap sakin..

Tapos nagpaalam na kami sa isa't isa...

Wooohhh yeah don't worry lalabas din yung isang bida sa tatlo yeah. 😂😂Just wait..
.....

My Three LoversOnde histórias criam vida. Descubra agora