GANGSTER 6

8.8K 188 2
                                    

(Apollo's POV)




"Sino 'yong kasama mo kanina?" agad na tanong ng isa kong kaklase na lalaki sabay sapok sa akin pagka-alis ng teacher namin.


Aray ko ha? Ang kapal nito, si Naya lang ang sumasapok sa akin eh. Tiningnan ko lang naman siya dahil doon habang kinakamot ko ang parte ng ulo ko na sinapok niya.


"Newbie rin ba siya?" Tanong din noong isa pa naming kaklase na halos mahalikan ko na sa sobrang lapit ng muka niya sa akin.


"Ibalato mo na lang sa amin 'yon," dagdag pa noong isa.


Pinalibutan na ako ng mga kaklase ko, kaya napatingin na lang din ako sa kanila. Oh my gulay monay tinapay. Yari ako nito, talagang hinintay lang nilang umalis si Sir bago nila ako lapitan ha?


"Sumagot ka pipi ka ba?" inis na hiyaw noong kaklase kong may mabahong hininga.


Ew, Grabe pa naman tutok na tutok ang muka niya sa akin.


"Hoy ang iingay niyo!" hiyaw noong nasa likod ko kaya lalong hindi ako sumagot sa kanila.


"Wala pang umistorbo ng tulog ko kung hindi kayo lang! alam niyo ba iyon?"


Lalo akong nanigas dahil sa sumigaw doon, ayokong mapa-away. Yari ako kay Naya kapag nagka-taon.


"Relax Fredrick," dinig kong awat ng nasa likod ko rin habang naestatwa na ako lalo dito.


"Hindi, ginagago ako ng mga to eh!" Sigaw siya ng sigaw, kung hindi ko lang alam na lalaki 'yon malamang naisip ko na kanina pa na meron siyang red tag.


Puro kasi kami lalaki dito kaya alam kong lalaki ang sumisigaw sa likod ko na hindi ko na pinagka-abalahang tingnan kasi ayoko ng away.


"Lumayo kayo sa kanya!" he shouted again, "Doon kayo."


Naglayuan naman agad sa akin ang mga kaklase naming halos daganan na ako kanina, nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon pero hindi pa rin ako nag-salita. At napapakamot na lang ng ulo 'yong mga lumapit sa akin kanina pero 'yong iba sa kanila ay tiningnan lang ako ng masama.


Mayamaya naman ay pumasok na muli 'yong susunod naming teacher kaya hindi na sila nanggulo pa. Tuloy-tuloy na 'yon hanggang lunch break at pagkatapos naman ng morning session namin ay lumabas agad ako ng room, at sa labas ko na hinintay si Naya dahil kapag umalis ako malamang pagagalitan ako noon.


"Ipakilala mo kami sa kanya," mayamaya ay kantiyaw na naman ng mga kaklase ko.


Nilapitan na namain nila ako at ipinulupot pa noong isa naming kaklase ang bisig niya sa leeg ko. Shit na malagkit, ito na naman sila. Hindi naman ako sumasagot o kumokontra sa kanila. Alam ko na mas lalo nila akong pagtitripan kapag sumagot ako. Isa pa ay natatanaw ko na si Naya, baka mapa-away na naman kami katulad kanina at hindi pwedeng mangyari 'yon.

Underground Society: Gangster (Completed)Where stories live. Discover now