GANGSTER 10

7.3K 177 7
                                    

(Naya's POV)





Nag-ditch na lang ako sa klase namin dahil naiinip na ako doon, at nag-libot libot na lang din ako kaysa mas ma-bored pa ako sa paghihintay kay Apollo. At isa pa ay iniisip ko rin ang mga bagay na nalaman ko kanina mula sa paguusap-usap namin noong apat.


I have already reported that to Dad saka ko mabilis na binura ang messages, mahirap na baka may ibang makakita. At isa pa tama sila, bawal ng pagusapan, ni imbestigahan ang nangyaring iyon kaya parang wala ng nakakaalala ng mga naganap three years ago.


Bigla rin akong napaisip sa mga pinagusapan namin kanina, inaasahan kaya talaga kami ng kung sinuman kaya ini-reserve nila ang dorm 13 sa amin? Isa pa ay masama ang kutob ko sa nangyayari, sabay-sabay kaming pumasok nina Apollo, Frion at Ciello habang nauna sina Simon at Fredrick sa amin at kapwa kami related sa mga namatay sa trahedya sa section ng kambal noon.


Malamang iisipin nila na sinasadya namin ito, malamang ay iinit ang mga mata nila sa amin dahil nagkataon na nagkasabay-sabay kami dito. Saka ang sabi ni Dad ay naka-reserved daw talaga ang dorm 13 dahil sa trahedya, pero pinayagan nila kaming mag-dorm doon dahil nga kamag-anak naman daw namin ang naka-dorm dito noon. Weird right?


"Kapapasok mo lang kanina matapang ka na ha?"


Napatigil ako sa paglalakad at napalingon ako sa damuhan na di kalayuan sa akin nang marinig kong doon nagmula ang malakas na sigaw na iyon. Sinampal din noong lalaking sumigaw 'yong babaeng pinagti-tripan nila ng pagkalakas-lakas, pero wala siyang magawa laban sa kanila. She's G11 also base na rin sa ID niya.


Nakakatawa, sampu silang mga lalaki at nagiisa lang 'yong babae na mukang bago nga lang. Is that even fair? Ano nga bang laban ng babae na 'yon sa kanila? Isa pa, mahihina lang ba ang kaya nila? Ganyan ba talaga sila sa mga baguhan?


"Hawakan niyo!" hiyaw muli ng lalaking iyon.


Agad namang sinunod ng ilan niyang kasamahan ang sinabi niya, hinawakan agad noong apat na lalaki ang kamay at paa noong babae na hindi naman na makapalag pa. Nagsimula naring maghubad 'yong lalaking sumampal sa kanya habang nagtatawanan lang naman ang mga kasama nila.


Tsk. This is really a bullshit, hindi siya tutulungan ng mga guard I knew it. Tumakbo na lang ako palapit sa kanila sabay tadyak sa lalaking naghuhubad, agad naman siyang tumalsik at napatigil sa ginagawa niya dahil doon.


Sinunod ko namang tadyakan 'yong isang lalaking nakakapit sa kanang paa noong babae saka ko sinapak ang lalaking nakahawak sa kaliwa niyang paa. Hindi na rin naman sila nakatayo dahil doon, three down, seven more to go.


"Hoy! Sino ka?" hiyaw sa akin ng lalaking isa sa pitong iyon na halatang gulat na gulat sa ginawa ko.


"This is violating the law, leave or I'll tell this to the guards!" hiyaw ko rin sa kanila.


Underground Society: Gangster (Completed)Where stories live. Discover now