GANGSTER 14

6.9K 161 5
                                    

(Naya's POV)





"Nagulat ako sa sigaw mo paanong hindi ako tatakbo?" hiyaw ko kay Apollo sabay pingot sa kanya dahil tuwang-tuwa pa siya sa nangyari kanina.


Totoo naman kasing nagulat ako sa hiyaw niya, it was enough to awake me and it even startle me. Tinawanan lang naman kami ng mga kasamahan namin dahil doon, habang panay ang rekalmo ni Apollo. Akay-akay ko na rin siya ngayon habang pabalik na kami sa dorm, masakit daw kasi ang katawan niya.


"Ibang klase kayong mag-pinsan lalo ka na Naya, pati kayo Frion, Ciello, Helena, ang gagaling niyo," muling sabi ni Fredrick sa amin.


Tiningnan ko lang naman ng masama si Fredrick dahil sa sinabi niya pero hindi na ako nagsalita. Kanina pa kasi silang ganyan magsalita, this is gang fights, gagalingan mo talaga kung ayaw mong mabugbog or worst mamatay.


"Naya?"


Napalingon ako dahil sa tumawag sa akin at nakita ko naman agad si Nyx, may kasama siyang dalawang lalaki na nakatingin lang din naman sa amin. Ngumiti agad siya sa akin at napalingon naman ako sa mga kasama ko ng tingnan din sila ni Nyx at ngitian. Napakunot din agad ang noo ko sa reaction ng mga kasama ko, bakit parang nakakita ng multo ang mga ito at parang mga na-estatwa pa sila?


"Mga Kuya ko, si kuya Eos at pinsan ko naman si kuya Styx," pagpapakilala niya sa mga kasama niya.


And then? Ano namang pakielam ko sa kanila? Wait, Eos? Eos ang pangalan ng Kuya niya? Napalingon ako kay Apollo ng maramdaman kong tiningnan niya rin ako, siguradong pareho kami ng naiisip.


"T-thanks for helping Nyx," mayamaya ay sabi naman ni Styx.


Tumango na lang din naman ako sa kanya, para namang nahiya pa siya dahil napakamot agad siya sa batok niya.


"Ang angas mo talaga, hope to see you again mukang pareho naman tayong G11," Nyx said again.


Nakangiti si Nyx ngayon, mukang natuwa talaga siya sa panonood niya.


"Sure, mauuna na kami," tanging sagot ko sa kanya.


Ngumiti lang si Nyx matapos kong sabihin 'yon saka siya kumaway kaya tumalikod na agad ako at sumunod naman agad sa akin ang mga kasama ko.


"Tara na, bilis?" agad kong yaya sa kanila.


Parang tulog naman na nagising ang iba naming kasamahan dahil sa sinabi ko kaya dali-dali silang sumunod.


"Teka Naya? Saan ang dorm mo?" nilingon ko ulit si Nyx dahil sa pahabol niyang tanong.


"Dark village, dorm 13" casual kong sagot sa kanya.


Hindi naman siya makakapunta doon basta-basta kahit na itanong niya pa iyon.

Underground Society: Gangster (Completed)Where stories live. Discover now