GANGSTER 16

7.1K 161 6
                                    

(Naya's POV)





Saan naman kaya kami pupunta ngayon? Saan ko kaya hahanapin sina Apollo? Mayamaya ay napatigil kami sa paglalakad namin ng makasalubong namin na nagaaway-away sa daan ang grupo nina Merry na kaklase ko saka 'yong mga nantrip kay Nyx.


"Nice timing!" sabay naming sabi ni Nyx.


Nagkatinginan kaming dalawa saka kami muling tumingin sa mga nasa harapan namin ng maramdaman naming napalingon sila sa amin. Naku naman.


"Ikaw!" hiyaw agad noong mga nantrip kay Nyx.


Mabilis din silang lumapit sa kanya at sinugod na rin naman agad nila si Nyx.


"Tayo ang magharap, Naya!" hiyaw naman ni Merry sa akin.


Tiningnan ko lang naman siya saka ko siya nginisian.


"Sabi mo eh." Pagkasabi ko noon ay agad din akong sinugod nung kaklase ko at ng mga kasama niya.


Marami rin sila kung tutuusin, halos lahat kasi ng mga babae naming kaklase sa room namin ay kakampi niya. Kami lang talaga ni Cielo ang hindi, saka si Helena matapos niyang lumipat ng strand para maging kaklase namin. Hindi pa man kami nagkakainitan ay napatigil din agad kami ng may nagpaputok ng baril at papalapit sila sa amin, napadapa rin naman agad ako dahil doon.


"Ano? Lumabas kayo!" sigaw ng isa sa kanila sabay halakhak habang papalapit sila ng papalapit.


Nagkatinginan lang naman kami ni Nyx na parehong nakadapa at napatingin din kaming muli sa mga kalaban namin kanina, 'yong iba sa kanila ay natamaan ng bala.


Mayamaya ay napalingon kami sa mga kalaban namin ng biglang tumayo 'yong mga kaklase kong babae, nakadapa rin kasi sila katulad namin. Nagtangka din silang tumakas, kaya nagkatinginan agad kami ni Nyx sabay tango sa isat-isa. Kapwa namin ginamit ang pagkakataon na iyon para gumulong palayo sabay tayo, hinila ko rin agad si Nyx saka kami tumakbo habang umiilag dahil pinaulanan kami ng bala ng mga g*go.


"Weapons? we need weapons," bulong ni Nyx sa akin habang nagtatago kami sa isang puno.


Sinenyasan ko naman agad siyang umakyat sa puno na pinagtataguan namin saka ako sumunod sa kanya. Hinintay lang din naming tumapat sa amin ang mga 'yon bago namin gawin ang balak namin. Ako na ang unang bumitin patiwarik, sabay pilipit ng ulo ng lalaking nasa tapat ko saka ko kinuha ang baril niya.


Ihinagis ko rin naman agad iyon kay Nyx, saka ko iniugoy ang sarili ko para bumitin sa kabilang sanga at makaligtas sa mga bala nila. Dumiretso talon din ako sa damuhan saka doon dumapa, narinig ko na lang rin naman na pinaputukan agad sila ni Nyx.


"Takbo, Naya!" hiyaw ni Nyx sa akin.


Mabilis akong tumayo ng hilahin niya ako sabay takbo kasabay niya, at siya naman ang nagpaulan ng bala sa kanila, mabilis din naman silang bumagsak dahil doon.

Underground Society: Gangster (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz