GANGSTER 18

6.8K 153 0
                                    

(Naya's POV)





Ilang araw na ang nakalipas magmula noong 11:11 last Saturday, so far ay maayos naman na ang lahat. Mabilis lang din namang naka-recover ang mga kasamahan naming nasugatan doon kaya hindi rin kami nahirapan. Sa ngayon ay busy sila sa pagsasanay dahil itinuloy na rin nila ang training after class sa gym.


Bihira naman kasi ang tao dito sa gym at tama si Apollo doon, pabor din 'yon sa amin kung tutuusin. Minsan nanonood ako sa kanila habang nagte-training sila kaya lang madalas na hindi. Si Nyx naman minsan ay nandito rin at sumasali sa training nila o nanonood, pero mas madalas siyang nagyayabang tungkol sa paglipat sa gang namin. Tsk, hindi niya na talaga ako tinatantanan.


Sa ngayon ay wala ding 11:11 pagdating ng sabado ngayong week, simula kasi ngayon matapos 'yong anniversary ng 11:11, tuwing second week na lang mangyayari ang 11:11. Kaya nga lang, this time ay allowed na ang weapon, 'yon din kasi ang pasabog nila after ng anniversary kuno.


Ngayon ay medyo okay na rin naman na ako, single wound wont affect me at all. Kaya ilang araw na rin akong nanonood sa kanila, pero hindi pa rin ako nagtatangka na pwersahin ang sarili ko. Lahat din sila sa ngayon ay nagsasanay, walang exempted, maliban lang sa akin.


Abala ako sa pagmamasid sa mga kasama ko ng mayamaya ay napalingon ako sa mga pumasok sa kanang pinto ng gym, ng marinig kong bumukas ang bakal na pinto doon. Nasa kaliwang bahagi naman ng gym sina Fredrick na alam kong napatingin din sa kanila, naka-PE uniform ang buong klase nila, PE day pala nila kapag Wednesday.


Hindi ko na lang sila pinansin at bumalik na ako ng tingin sa mga kasamahan ko, wala rin naman kasing pakialam sina Fredrick sa kanila. Tumuloy na lang din agad sila sa pagsasanay, malaki naman ang gym pwede naman sila sa kabilang side at kami sa kabilang side.


"Ano ba yan Jonas!" mayamaya ay hiyaw na naman ni Fredrick sa kasamahan namin. Ayan na naman sila, umaalingawngaw na naman ang hiyaw ni Fredrick, kulob ang gym kaya malamang na ang maliit na ingay ay malakas ang dating dito dahil kulob dito.


"Shut up!" someone said dahilan para mapakunot ang noo ko.


Mahina lang 'yon pero parang um-echo sa buong gym, natahimik naman agad lahat ng mga ka-grupo namin dahil doon. Mga timang talaga, hindi pa 'yong teacher ang nagsalita niyan ah. Si Eos pa lang ang nagsasalita, sabagay naiintindihan ko naman sila, siya ang itinuturing nilang pinaka-malakas na gangster dito sa school. Hindi siya pwedeng basta-basta banggain dahil kayang-kaya nilang pulbusin ang gang namin.


"Leave this place," mayamaya ay utos niya sa mga kasamahan ko na nakatingin lang din naman sa kanya. "We have permissions to use this place Eos," agad na sagot sa kanya ni Fredrick.


"I don't care just leave this place," muli niyang utos. Natahimik na lang si Fredrick dahil doon, siguro ay hindi na niya balak na makipagtalo pa.


Napangisi na lang ako at inalis ko ang likod ko sa pagkakasandal sa kinauupuan ko, saka ko itinuon sa mga hita ko ang mga siko ko habang naka-interlock ang mga daliri ko.

Underground Society: Gangster (Completed)Where stories live. Discover now