GANGSTER 20

7K 157 3
                                    

(Naya's POV)




Maaga pa lang ay nag-gala na muli ako sa buong university, gusto kong libutin ang school, gusto kong malaman kung saan ang room ng kambal, kung saan nangyari ang war, lahat-lahat ay gusto kong malaman. Katulad ng kung may mga tao pa dito na naka-saksi noong insidente, o kung may mga ka-batch pa ba sila dito.


"Nagdi-ditch ka na naman?" Nilingon ko 'yong nagsalita at agad na napakunot ang noo ko dahil sa kanya ngayon ko na lang muli sila nakita. "Mamaya pa ang klase ko," tanging sagot ko sa kanya. Magkasama na naman silang dalawa at tila hindi na sila mapaghiwalay.


"Bawal mag-gala ang senior high sa college premises, ganoon din ang mga college," muli ay sabi niya sa akin. "Talaga? Bakit isang school lang ang ginawa kung bawal pala?" Nagkibit balikat lang siya sa tanong ko. Ang weird naman kasi ng rules nila, sabagay rules nila 'yan e.


"Bumalik ka na," mayamaya ay utos niya sa akin na hindi ko sinunod. "Ayoko, mamaya na," tanging sagot ko sa kanya. Nagsimula na ulit akong maglakad para iwan na sila doon, malamang ay hindi nila ako titigilan hanggat hindi ako umaalis dito.


"Delikado dyan," pahabol niyang sabi sa akin. Nilingon ko na lang siya saka ko siya nginisian. "Lahat naman sa lugar na 'to delikado, pati na rin kayong dalawa," tanging sagot ko sa kanya. Natawa lang din naman siya sa sinabi ko kaya tumalikod na ulit ako.


"Bahala ka na nga," dinig kong muli niyang sabi. Nilingon ko silang muli at nakita kong umalis na rin sila kaya tumuloy na ako sa lakad ko, akala niya naman mapapatigil niya ako. Tsk.


Hindi ko na sila pinansin at mas nag-focus pa sa pagmamasid ko, kakaiba talaga ang pagkakagawa ng mga building dito kakaiba ang hitsura ng lahat. Siguro ginawa talagang matibay ang lahat dahil ang mismong school ang nagsisilbing battlefield ng mga estudyante. Pagpasok mo kasi sa gate, doon mo makikita 'yong carpark tapos ang mataas na building na kasunod noon ay ang deans office, guidance office, faculty rooms at kung ano-ano pa, sa kabilang side katapat noon ay mga club rooms, clinic, library, laboratories at kung ano-ano pa.


Pagpasok mo naman ng magic circle doon mo makikita ang naglalakihang mga buildings, iyon 'yong mga rooms ng bawat estudyante. Sa kanan ang college students at sa kaliwa ang senior high. Kaya kung tutuusin ay mas maraming imprastraktura sa kanang bahagi ng school ay dahil sa mga college.


Sa likod naman ng mga building ay mga dorms, iyong mga dorm complex naman ay magkakahiwalay rin para sa mga babae at lalaking estudyante. Sa pinaka-likod ng dorm complex naman matatagpuan ang dark village. At sa south bago dumating ng quadrangle ay malawak na pasyalan muna ang makikita bago ang quadrangle. Sa dulo naman ng south ay may mga lumang buildings pa, na minsan ay pasyalan din ng mga estudyante. Talagang malawak ang school kung tutuusin, napakalawak nito kaya nga laging may mini bus.


Iyon namang mga gym, 'yong campus pool at kung ano-ano pa ay nasa side naman ng senior high premises. May mga bagay rin na pagsasaluhan ang senior high at mga college pero malalaki naman iyon katulad na lang halimbawa ng gym, malalaki iyon na sapat para magkasya ang lahat ng college at senior high.


"Naya?" Agad kong nilingon ang tumawag sa akin at agad akong napatitig sa kanya, ngumiti siya sa akin pero napakunot lang ang noo ko. "Ikaw si --- siret," agad kong sabi sa kanya.

Underground Society: Gangster (Completed)Where stories live. Discover now