GANGSTER 21

6.9K 158 4
                                    

(Naya's POV)





"Magkasama kayo?" dinig kong tanong ng teacher kay Nyx kaya napalingon ako sa kanila. Hindi pa pala sila nakakapasok sa loob. "Yes Sir. Halika na Naya, pumasok na tayo," agad na yaya sa akin ni Nyx.


Umiling lang naman agad ako sa kanya, ayoko nga sa loob. Ang sarap na nga ng pwesto ko dito sa labas. "Matagal 'to Naya, halika na," muling yaya ni Nyx sa akin. I just rolled my eyes at pumasok na lang ako para matahimik na siya sa kakatawag sa akin.


"Hi Miss?" bati agad sa akin ng mga nasa loob pagpasok ko. Si Nyx ay hindi nila binati ng ganyan pero ako ginaganyan nila? Ah, baka takot sila sa kapatid at pinsan ni Nyx. Samantalang ako ay iniisip nila na pwedeng-pwede nilang pagtripan dahil hindi naman nila ako kasamahan.


"Quiet class!" saway ng prof nila sa kanila dahilan para matahimik sila. Hindi ko rin naman sila pinansin at pinagmasdan ko na lang ang room nila, ang ganda talaga dito. Ibang klase talaga ang kadayaan ng mga nakatataas sa school na 'to.


"Doon tayo sa likod, mukang seryosong usapan 'to. Class, continue writing," paanyaya sa amin ng prof nila. Pumunta na lang din kami agad sa likod ng sabihin 'yon ng prof nila, nadaanan pa namin si Styx na nasa daan sa gilid at nakipag-apir pa siya sa akin pagdaan namin.


Panay lalaki sila dito at dalawa lang ang babae sa kanila. Naupo na lang din kami sa upuang kaharap noong table ng teacher sa likod. "Tungkol saan ho ba 'to sir?" tanong sa kanya ni Nyx at hindi naman ako nagsalita.


"Laging may ganito ang G11 students every year at ngayon ay time niyo na, this activity ay ginagawa para ipakita sa mga estudyante ang buhay college. At ang bawat estudyante ay hinahati per rooms at 2 heads per room 'yon, papasok kayo sa klase nila ng 1 week just to observe and take down notes everything you have learned tapos may report," mahabang paliwanag ng prof nila.


"Ang daming arte naman nyan sir," reklamo naman ni Nyx na muntik ko ng tawanan, gusto ko rin kasi sanang sabihin 'yon. "Ganyan talaga dito Ms. McGriff," natatawang sagot sa kanya ng prof.


"Dito mo ako i-assign saka si Naya sir ah, para naman hindi na kami mahirapan," pakikipag-bolahan ng gaga sa prof na iyon. "Sure! why not?" agad namang sagot ng prof.


Bakit naman kaya dito pa ang naisip ni Nyx? Ang layo-layo naman dito eh, pwede namang wala ng ganyan. Pwede namang doon na lang kami sa first floor.


"Hindi na kaylangan ng report para sa ganoong bagay, malinaw na malinaw naman na iba ang turing sa mga college at senior high dito, Tsk. Saka ang layo dito, doon na lang tayo sa baba sa bungad," agad kong reklamo sa kanila.


Natawa lang din naman sa akin si Nyx saka niya ako mahinang siniko para marahil sawayin.


"Take that as a report," nakangiting sabi ng prof sa akin. "Oo nga, ayos 'yan, may ilalagay na agad tayo sa report," tuwang-tuwang sabi ni Nyx at hindi naman ako natutuwa doon.


Muling ipinaliwanag ni Sir ang gagawin sa amin. Ngayon ko lang din nalaman na ang dala pala namin ay listahan ng mga estudyante ni Sir Manzano. Malas lang namin at naabutan kami ng ganitong activity, sila Apollo kasi ay wala noon dahil G12 na sila. Mayamaya lang din naman ay bumalik na kami sa unahan kasama ang professor, matapos niyang ipaliwanag sa amin ang lahat lahat.

Underground Society: Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon