GANGSTER 23

6.7K 151 15
                                    

(Naya's POV)






Tahimik akong nagmamasid sa mga kasama ko habang busy sila sa kani-kanilang ginagawa dito sa gym. I am also sitting in the same spot kung saan kitang-kita ko silang lahat. Napailing na lang din ako sa mga kalokohan na ito, this is surely another bullshit again. Nagsalpak na lang din agad ako ng earphone sa tenga ko at saka ako nagtakip ang cap sa muka ko habang inaayos nila ang gym.


Nagpa-practice na rin sila ng sayaw para sa flashmob and Apollo was their choreographer, I know that steps and song kaya kahit maginupo-upo lang din ako dito ay okay lang. Buti na lang din at kaunti na lang ang gagawin, flashmob na lang kasi ang kulang sa video presentation namin, pero nakakainis pa rin iyon dahil hindi pa rin ako komportable doon. Hindi ko ito gusto, napipilitan lang ako dahil ayokong madamay 'yong mga ka-grupo ko sa pagbagsak ko.


Ang mas nakakainis pa doon, naghakot pa si Nyx ng mas maraming mga extra para mukang competition daw talaga ang labas, hindi niya ba alam na mas nakakahiya 'yon? What the hell? Gaga talaga ang isang 'yan. Hindi naman siya ang bida, extra lang siya, ayaw niya pa kasing tanggapin 'yong suggestion ko noong una, tsk.


"Okay, okay lets have lunch muna tapos, mamaya finishing na lang para shoot na agad after," Nyx yelled to everyone.


Just imagine kung paano nila pinaghandaan ang pakulo na ito, they even prepared props, pagkain at kumuha rin ng costumes sina Nyx para sa mga players at para sa kanila nila Cielo. Talagang kapag hindi pa kami nanalo ay ewan ko na lang talaga.


"Ipamigay mo na 'yong pagkain Simon," utos ni Nyx kay Simon. Inihanda na rin naman agad nila ang pamimigay ng pagkain. Kahit hindi ko sila nakikita ay malinaw kong naiisip ang mga ginagawa nila, weird. "Sige Nyx, kami na ang bahala," agad na sagot ni Simon sa kanya.


I just sigh at lalong sumandal sa sinasandalan ko, naririnig ko sila kahit hindi ko sila nakikita at alam ko ang ginagawa nila kahit hindi ko sila tingnan, ang iingay ba naman nila eh. Napalingon na lang din ako sa tabi ko ng may tumapik sa akin.


"Bakit?" takang tanong ko sa lalaking tumapik sa akin, ano kayang problema ng isang 'to? "Kumain ka na daw." Napaayos ako ng upo sabay baligtad ng cap ko dahil sa sinabi niya.


Iniabot niya rin agad sa akin 'yong pagkain na dala niya kaya napatitig lang din ako sa kanya na naka-kunot ang noo. Hindi rin ako mapaniwala sa nakikita ko, talaga bang si Eos ang katabi ko at ang nagdala ng pagkain ko? Weird. Bakit niya gagawin 'yon?


"Broken hearted ka ano?" He ask while smirking at me, bahagya pa siyang yumukod para bahagyang magkatapat ang mga muka naming dalawa habang nakatingin lang din naman ako sa kanya.


"Alam kong patay na patay ka sa akin Eos okay? pero please lang broken hearted pa ako ngayon hayaan mo muna akong mag-move on," I just said and then I rolled my eyes without showing any emotions to him saka ko kinuha ang pagkain na ibinibigay niya.


"Sino ba naman kasing mag-i-stay sa ugaling ganyan?" mayamaya ay muli niyang sabi. Napalingon naman akong muli sa kanya at nananatili pa rin naman siyang nakatingin sa akin.

Underground Society: Gangster (Completed)Where stories live. Discover now