GANGSTER 24

6.6K 159 8
                                    

(Naya's POV)





Himala, sa ngayon ay konting gulo lang ang nasasangkutan namin nitong mga nakaraang araw. Siguro ay dahil din iyon sa busy kami kaya hindi kami nasasangkot sa ibang gulo lately, saka most of the times ay nasa gym kami. At marahil kaya rin ganoon ay dahil kaunti na lang din ang estudyante ngayon kaya konti lang din ang gulo. Marami kasi ang nalagas lalo na sa mga newbie dahil sa nakaraang 11:11, but I heard na may mga newbies ulit na papasok.


"Nyx? Naya? Dito lang kami ni Cielo ah." Tumango lang kami ni Nyx sa sinabi ni Helena, at pinanood na lang din namin sila na pumasok na rin sa room nila na kalapit lang ng room namin.


Si Frion naman at 'yong isa naming kaklase ay papasok sa room na nasa unahan ng room nila Cielo at kami ni Nyx ay sa room nila Styx papasok. Ang iba naman naming kaklase ay sa ibang building na-assign.


"Hi girls? Welcome, come in," agad na bati sa amin ng professor ng section nina Styx ng buksan niya ang pinto matapos na kumatok ni Nyx.


Pagpasok namin ay tahimik naman ang mga nasa loob na nakatingin sa amin, nakita na naman nila kami at kilala na rin nila kami. Hindi na lang din kami nagsalita at mabilis lang din kaming humanap ng upuan, at napunta kami sa dulo malapit sa kapatid at pinsan ni Nyx dahil doon lang may bakante.


"Be good to our student visitors, okay?" their professor said to them. Agad din namang sumagot ang ilan sa mga kaklase nila at ang iba ay natahimik. "Sila nga ang bully eh," bulong ni Eos na narinig ko naman dahil nadaanan namin siya ni Nyx.


"Para naman sa benefits ng lahat, dapat magpakilala muna tayo sa kanila," muling sabi ng professor. Dahil doon ay nagsimula na rin agad ang pagpapakilala sa unahan hanggang sa kila Eos na.


"Styx Jairo Ferrer," pagpapakilala ni Styx saka siya ngumiti sa amin. "Eos Devin McGriff," pagpapakilala ng katabi niya and that name brought chills to me, that name brought me goosebumps and it makes my heart beat so damn fast.


"Nyx Davon McGriff," pagpapakilala naman ni Nyx na kasunod ng Kuya niya, kaya tumayo na ako matapos niyang magpakilala. "NayaMaine Myren," I just said saka ako muling naupo.


They all look at me as I said my whole name and even their professor, they are all shock and I can see it, but I remain calm. Hindi ko hinayaan na kumunot ang noo ko sa reaksyon nila but I am fvcking curious. What about that reaction? I then just raise my left eyebrow to them na agad din naman nilang ikinaiwas ng tingin.


"O-okay and I am Mr. Delos Santos your Math professor," pagpapakilala rin ng prof nila saka siya ngumiti na parang nagaalangan bago siya muling magturo.


At sa una pa lang ay isa lang ang masasabi ko dito, maganda nga ang lugar nila pero ang boring naman.


"Kaylangan ba talaga 'to? Ang boring eh." Napalingon lang sakin si Nyx marahil dahil sa ibinulong ko sa kanya saka siya mahinang natawa pagkatapos niyang mag-clear throat. Weird.


"Oo Naya isang linggo lang naman, tyagain na lang natin," bulong din niya sa akin pabalik and I just sigh. "Ano pa nga ba?" I answered and she just chuckled again. May choice pa ba kami? wala naman na eh, kung meron nga lang ay hindi na ako papasok dito 'no.

Underground Society: Gangster (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن