GANGSTER 25

6.6K 161 0
                                    

(Nyx's POV)





Ngayong hapon ay pinayagan kami ng prof nila kuya na sumama kila Apollo sa training, pero sila Kuya ay may activity pa rin. Si Naya naman as usual ay naroon na naman sa favorite spot niya, ang bleachers. Lagi talagang malalim ang iniisip ng isang 'yan. Nilapitan ko na lang din kaagad siya saka ako naupo sa tabi niya habang patuloy lang sa pagsasanay ang iba, magpapahinga naman muna ako.


"Monday academics, Tuesday academics then PE, Wednesday half day, Thursday ---" Naya said and she stop when she saw me at natawa lang din naman ako sa nire-recite ni Naya, schedule kasi 'yon nila Kuya.


"May activity sila sa hapon, iyong basic trainings pero minsan racing," sabad ko sa kanya. "Friday iyong weapons training?" agad naman niyang tanong sa akin. I then just nod at her and smile. Napatango-tango naman kaagad siya sa sagot ko at natawa na lang din naman ako sa kanya.


"Bakit?" sabay naming tanong sa isat isa, "Bakit ka tumawa?" muli ay sabay naming tanong sa isat-isa. "Anong meron sa schedule nila Kuya?" muling tanong ko sa kanya.


"Wala lang, I just wanna see how the day goes by during Thursday and Friday," agad niyang sagot sa akin. "Naya, Tuesday pa lang ngayon, come on? Anong meron? Naiinip ka na ba talaga? Saka bakit ba nandito ka na naman? may problema ba?" muli ay tanong ko sa kanya na agad niya namang ikina-seryoso.


"Nyx?" tawag sa akin ni Naya na bigla ko ring ikinakaba. "Ano?" I also ask pero matagal siyang natahimik, bago siya tuluyang nagsalita. "Kilala mo ba iyong nakatira dati sa dorm 13?" she finally ask at natigilan din ako sa biglang itinanong sa akin ni Naya.


Mabilis din naman siyang umiwas ng tingin sa akin at pakiramdam ko ay may bumara rin sa lalamunan ko. Hindi ako makapagsalita at hindi ko alam ang sasabihin, hindi niya ba alam na iyon ang dorm ng kambal na Myren noon?


"Three years na daw walang nakatira doon sabi nila, gusto ko lang malaman kasi 'yong nakatira doon dati may naiwan pang gamit sabi ni Apollo, Ibabalik ko sana 'yong gamit nila, baka kilala mo sila. Hindi ba matagal na ang mga Kuya mo sa dark village?" she ask again.


Lalo namang tumindi ang kaba na nararamdaman ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung hindi niya ba talaga alam na ang kambal na Myren ang nakatira doon o ano, hindi rin ba alam ni Apollo iyon, o baka naman nagpapanggap lang sila?


"Patay na sila," tanging sagot ko sa kanya. Umiwas rin agad ako ng tingin sa kanya at naramdaman ko naman na nilingon niya ako. "At sa pagkakaalam ko iniwan talaga ang mga 'yon doon dahil ipinakiusap ng magulang nila, at gusto rin naman ng mga nakatataas na gawin 'yon," I added and I sigh and gathered my strength to look at her.


"Kilala mo sila?" gulat na gulat na tanong niya sa akin kaya mahina akong natawa. "Sinabi nila Kuya sa akin 'yon," agad kong sagot sa kanya, pero agad din siyang umiwas ng tingin sa akin matapos noon.


"Kapag nalaman ni Apollo na patay na ang may-ari noon tiyak matatakot siya," she said and I just chuckled at her. "Tara na nga bumaba ka na dyan, isipin mo na rin kung saan tayo sasali, sa training o sa PE class nila Kuya?" tanong ko kay Naya saka ako mabilis na tumayo.

Underground Society: Gangster (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora