GANGSTER 26

6.9K 141 2
                                    

(Naya's POV)





Gabi na naman kami natapos sa training at gabi na rin natapos sa P.E class sila Eos, and we enjoyed watching them kaya nag-prisinta kami ni Nyx na maglinis ng gym. Kaylangan kasi naming ayusin 'yong mga ginamit namin para hindi kami mapagalitan. Pagkatapos naman ng training ay umalis kaagad sila Apollo para makapagpahinga na sila, sina Styx naman ay umalis din kaagad ng magpaalam si Nyx na maglilinis pa kami dito.


"Ako na ang magpapasok nito sa stock room," prisinta ni Nyx sa akin na tinanguan ko naman kaagad. Mabilis niya ring hinila ang mga props namin papunta sa stock room at ipinagpatuloy ko lang naman ang pagwawalis ko, buti na lang din at tapos na kami.


"Naya? Naya?" Nyx yelled at agad akong napalingon ako sa gawi ng gym kung nasaan ang stock room, I just heard Nyx call me awhile ago. "Naya? Help me!" she yelled again at dahil doon ay tumakbo agad ako papuntang stock room.


Naramdaman ko rin kasi kaagad ang iba pang presensya ng tao na kasama namin dito sa gym, pero sigurado ako na umalis na silang lahat. Anong nangyayare? Sinong kasama namin dito sa loob? Sinong maglalakas ng loob na ikulong si Nyx sa stock room.


"Nyx?" hiyaw ko saka ko mabilis na kinalampag ang stock room. At nagulat na lang din ako ng marinig ko ang malalakas na pagkalampag sa loob noon. "Naya open the door!" hiyaw niya kaya sinubukan ko agad na buksan ang pinto pero naka-lock iyon.


"Where's the key? nasa iyo ang susi Nyx," hiyaw ko rin sa kanya para marinig niya ako. "May humablot ng susi sa akin tapos itinulak niya ako dito saka ini-lock ang pinto, careful Naya baka nandyan pa siya!" she yelled back.


Dahil doon at napatigil ako at mayamaya ay narinig ko ang lagabugan ng mga pinto sa taas, at ang pagkamatay ng ilaw, someone just turn off the lights and close the doors.


"Naya? Anong nangyayare? Are you still there?" Nyx ask me. Nagpalinga-linga lang din naman ako sa paligid para maghanap ng pambukas ng pinto pero wala akong makita na kahit anong pwedeng gamitin. I guess I just have to break this goddamn door.


"Someone turn off the lights and close the doors," I answered her. "Shit!" dinig kong mura niya sa loob, while I'm trying to open the door by force pero hindi ko talaga mabuksan.


"Where's your phone?" muli kong tanong sa kanya. "Dead batt, Naya," she answered at nararamdaman ko sa tono niya kinakabahan siya, at kinakabahan din ako sa mga oras na ito.


"I'll open the door, stay away okay?" I said again saka ako lumayo ng kaunti, "Done," she answered kaya mabilis akong bumwelo at saka ko malakas na sinipa ang pinto para mabuksan iyon at agad din naman iyong nabuksan. Mabuti na lang at hindi 'yon metal door, kaya isang malakas na sipa lang ay nabuksan ko na ang pinto. Agad din naman siyang lumabas at yumakap sa akin.


"Bumalik na tayo sa taas, just be quiet okay?" I said at tumango lang siya sa akin ng sabihin ko iyon habang yakap niya ako saka siya bumitaw sa akin. Dahan-dahan naman kaming umakyat sa taas habang nagmamasid, naaaninag ko naman ang daan dahil sa liwanag ng buwan na nagmumula sa mga glass window sa taas at marahil ay ganon din si Nyx.

Underground Society: Gangster (Completed)Where stories live. Discover now