GANGSTER 27

6.4K 139 4
                                    

(Naya's POV)





Its Friday already, last day na rin namin sa pagpasok sa klase nila Eos at bukas ay may 11:11 na naman. Pero kahit na ganoon ay mas binabagabag pa rin ako noong limang lalaki sa gym, sabi kasi nila ire-report daw nila ang nangyari sa dean pero parang wala namang nangyari.


Ang sabi pa ni Nyx tinanong na nila 'yong lalaki pero ang sabi lang niya ay may nag-utos daw sa kanila na patayin kami, tapos hindi na nila alam ang nangyari matapos ng utos na 'yon, noong tinanong naman nila kung sino ang nagutos ay sinabi nila na dalawang babae daw pero hindi nila kilala at maalala.


Ewan ko kung nakausap na rin ni Nyx 'yong dalawa niyang kasamahan, pero baka hindi pa. Malamang magbabalita naman 'yon kung nakausap niya na ang dalawa, pero kung sino man ang may pakana nito ang galing niya. Natakot niya ako, nakakatakot 'yon, hanggang ngayon hindi ko makalimutan ang mapupulang mga mata na iyon.


"Its your last day here, girls," bati ng professor nila paglapit niya sa amin. Second to the last class na rin namin ito this day, okay lang naman daw if we want to join or not hinahayaan lang din naman nila kami na mag-observe, after all hindi naman kami required na sumali sa kanila. After this week, we have 3 days to fix our report.


"Oo nga sir," nakangiti namang sagot ni Nyx sa kaniya. "What can you say about their life as a college students?" tanong muli sa kanya ng prof nila. Sumagot-sagot pa kasi siya ayan tuloy, bida-bida rin kasi talaga ang babaeng ito eh.


"Medyo cool," Nyx then said na ikinalingon ko agad sa kanya. Is it? I don't find these cool at all. "How about you Naya?" tanong naman ni Sir sa akin na ikinalingon ko rin sa kanya.


"Boring, maganda nga ang facility ang boring naman." Lahat ng kaklase namin ay napatingin sa akin saka sila nagtawanan, syempre maliban kay Eos saka sa dalawang babaeng kaklase nila. "Hindi na ako magtataka sa maririnig namin sa report niyong dalawa, for sure it was a total opposite," he said again.


Nyx just laugh at him, at mayamaya lang ay nag-paalam na si Sir, nagsimula na rin namang magdaldalan ang mga iyon kaya hinayaan ko na sila. Lumabas naman na agad kami ng room nina Styx at nagpunta na lang sa gym, malamang kasi ay nandon na ang iba, susunod na lang din siguro ang iba dahil baka may P.E pa sila.


"What do you think should we do?" mayamaya ay pasimpleng bulong sa akin ni Nyx habang naglalakad kami papasok ng gym, kakababa lang din kasi namin ng mini bus.


"About the report?" tanong ko sa kanya na ikinakunot naman agad ng noo niya. "Hindi, kay Andrea at Marielle," bulong niya muli sa akin. "Don't ask me, ask yourself dahil ka-grupo mo sila, basta ako the next time they will mess with me? I wont hesitate to kill them Nyx," I answered.


Natahimik lang din naman siya sa sinabi ko, hindi na rin naman ako nagsalita at tumuloy lang ako sa pagpasok sa gym saka ako umupo sa bleachers at nanonood sa kanila. Si Nyx naman ay natahimik na lang din at nakisali na siya sa kanila.


Habang nakaupo ako at nagmumuni, mayamaya ay napalingon ako sa mga pumasok sa right door ng gym, nandyan na sila. Umiwas na lang din agad ako ng tingin ng makita ko kung sino ang mga iyon saka ko lang napansin na nilingon din pala sila nila Nyx.

Underground Society: Gangster (Completed)Where stories live. Discover now