GANGSTER 31

6.6K 157 1
                                    

(Naya's POV)





"Kung ikaw ang tatanungin anong magiging desisyon mo?" napalingon ako kay Apollo sa tanong niya sa akin saka ako napaisip. "Alam mo Apollo, kung ako ang tatanungin, syempre mag-iisip muna ako, kasi baka mamaya ay mapahamak pa ang buong gang natin sa lintik na offer na 'yan," agad kong sagot sa kanya saka ako bumalik ng tanaw sa mga nagsasanay doon.


"Sabagay, hindi naman natin talaga kilala ang mga 'yon, balita ko nga ay lagi silang sakit ng ulo ng school," Apollo also said and I just sigh at the thought. Sa totoo lang ay iba rin talaga ang kutob ko sa kanila. "Bahala na si Fredrick dyan, basta ako, nag-gang lang ako dahil kaylangan, pero sana mag-isip siyang mabuti," muli kong sabi sa kanya.


Natahimik naman na si Apollo matapos kong sabihin iyon. Hindi na rin naman ako nagsalita at nagmasid na lang akong muli sa mga nasa baba. May training kasi kami ngayon, habang si Fredrick at Simon naman ay kausap sina Bill at kasama nila si Frion, Cielo at Helena kami lang naman ni Apollo ang naiwan dito, at si Nyx naman ang nagtuturo sa baba.


"Pumunta ka na doon, tulungan mo si Nyx," utos ko kay Apollo. Bumaba naman agad siya para tumulong at naisip ko na lang ding sumunod sa kanya para sumali sa kanila. "Idol? ngayon ka lang yata sumali sa amin," bati sa akin ni Siege, kaya nilingon ko agad siya.


"Manahimik ka Siege kasi badtrip ako ngayon," singhal ko sa kanya at napakamot naman agad siya ng ulo at tinawanan naman siya agad ng mga kasamahan namin. Mayamaya lang din naman ay nilapitan na rin agad ako ni Nyx.


"Bakit?" tanong niya and I just look at her. "May bago ba Nyx?" I simply answered at tumuloy na lang kami sa ginagawa namin. Saka ko lang napansin na ang ganda ng set up ng gym ngayon, I'm sure Apollo did this, after all sanay kami sa mga ganitong bagay.


"Bilisan niyo!" hiyaw ko sa mga kasamahan namin kaya nagsimula na ulit sila. "Nice, Naya!" mayamaya ay bati sa akin ng kung sino kaya nilingon ko ang bumati sa akin, and I saw its Styx, hindi ko namalayan na dumating na pala sila.


"Badtrip 'yan, hayaan mo siya kuya baka sipain ka niyan," sita ni Nyx kay Styx saka sila nagtawanan at hinayaan ko na lang din sila. Nag-focus na lang din akong muli sa mga kasamahan namin.


Matapos ni Apollo na gawin ang buong activity ng obstacle course ay sumunod na agad ako. Dumeretso na lang din ako, and I hurriedly run saka ako tumambling at saka ko kinuha ang baril at kunwaring binaril ang manikin na nasa unahan ko sabay gulong at binaril 'yong isa pa. Matapos doon ay saka ulit ako tumakbo at nagpa-bitin bitin sa monkey bars.


Iniugoy ko rin agad ang sarili ko ng malakas at mabilis, sabay talon diretso bitin sa bakal na kasunod ng monkey bars, nagpatalon-talon at lumusot-lusot din ako sa mataas na bakal na iyon. Pagdating sa dulo, ay saka ko ibinitin ang paa ko sa bakal saka ako bumaligtad at humawak sa susunod na bakal, sabay lusot at bitin sa susunod na bakal saka ako nagpabitin-bitin ulit pababa.


"Amazing!" napalingon ako sa nagsalita at nagpalak-pakan, they maybe didn't use to it. "Her time was exactly 1 minute, magsimula na ulit tayo we need to beat that," Apollo said to them.

Underground Society: Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon