GANGSTER 36

5.9K 135 10
                                    

(Eos's POV)





"Bitawan niyo ako! Sino ba kayo? Bakit niyo ba ako pinipigilan? Gusto niyo rin bang mamatay? Ha?" baling ni Naya sa kanila. "Bullshit Naya! Makinig ka sa akin! Gumising ka! Lumayo kayo! Alis!" muling hiyaw ni Apollo saka niya pinalayo ang mga kasama niya.


Dahil doon ay nataranta rin ako, ibang usapan na ito. Hindi na ito maganda, kaylangan may gawin na ako. Mayamaya ay humiyaw muli si Naya at hindi niya pinansin si Apollo pinagsusuntok niya na rin sina Simon, kaya tumakbo na kami ni Styx, Ivan at Romer palapit sa kanya.


"Stop her bullshit!" hiyaw rin ni Nyx sa mga kasamahan namin na nakatulala na lang din sa kanila. Marahil nakikita niyang she was unstoppable now. Paglapit namin sa kanya ay niyakap ko agad siya ng mahigpit at hindi naman na siya nakagalaw. Tinulungan na rin naman ako nila Styx sa kanya, dahil nagpupumiglas pa rin siya.


"Bitawan niyo ko!" she yelled again kaya yumakap na rin si Apollo sa kanya dahil naiwawasiwas niya pa rin ang mga nakakapit sa kamay niya, kahit na yakap-yakap ko na siya. Now I know that she is way stronger kapag galit na galit siya.


"Huwag niyong patakasin 'yong iba!" hiyaw naman ni Styx sa mga kasamahan namin na ang tinutukoy ay ang mga kasamahan nina Billi na naririto pa. Agad din naman silang kinorner ng mga kasamahan namin, at sila na ang tumapos ng lahat. Alam naman kasi nila na hindi na dapat sila makalabas dito.


"Papatayin ko kayo! Bitawan niyo ako! Mamatay na kayong lahat! Mga hayop kayo! Papatayin ko kayo, papatayin ko kayong lahat!" hiyaw pa rin ni Naya, habang panay pa rin ang pagpupumiglas niya.


"Naya? Naya si kuya 'to, si Apollo 'to makinig ka sa akin! Naya makinig ka sa aking mabuti!" sigaw ni Apollo sa kanya pero, sigaw lang ng sigaw si Naya habang pinipilit niya pa ring kumawala. "Nayamaine Myren!" Apollo yelled again na ikinatitig ni Naya sa kanya habang nagpupumiglas pa rin siya hanggang sa unti-unti siyang tumigil.


Mayamaya ay bumitaw na rin 'yong iba sa kanya dahil na rin sa senyas ko pero hindi ko pa rin siya binibitawan. Kahit na pakiramdam ko ay napagod din ako sa kanya, malakas kasi siya at kaylangan kong patibayin ang tayo ko para hindi siya makatakas.


"Naya?" Apollo called her again. Mayamaya ay tumunghay na rin siya mula sa pagkakatungo niya at saka siya tumingin sa buong paligid namin, bago siya tumingin sa amin ni Apollo. "Anong nangyari? Bakit ba hawak niyo ako?" mayamaya ay singhal niya sa amin and she look at me also.


"Bitawan mo na ako Eos, okay? Ikaw lume-level up ka na ha? Aba parang noon ay pasilay-silay ka lang sa akin, ngayon naman ay pa-chansing chansing ka na!" hiyaw niya sa akin dahilan para agad akong mapabitaw sa kanya at natawa lang din naman ang mga kasama namin sa amin.


Hindi na rin naman na ako nagsalita tungkol doon, kahit na gusto ko siyang bulyawan sa mga kalokohan niya. And then I hurriedly catch her noong mapansin kong parang pumungay ang mga mata niya, at parang nahilo siya at bigla na lang siyang natumba sa akin. Dahil doon ay muling nataranta si Apollo saka niya ako mabilis na nilapitan.


"Pagod lang siya, huwag kang magalala," I said to him, dahil doon ay natahimik muli ang lahat lalo na ng yakapin ni Apollo ang pinsan niya. He then cried non-stop habang nahihimbing si Naya. "Naya kalimutan mo ang nangyari! Matulog ka lang, okay lang 'yan Naya! Kalimutan mo ang nangyari pakiusap!" Apollo cried again.

Underground Society: Gangster (Completed)Where stories live. Discover now