GANGSTER 37

6K 135 4
                                    

(Eos's POV)





"Walanghiyang babae yon!" hiyaw ko saka ko tiningnan ng masama ang mga kasama kong tawa ng tawa sa akin. "Angas pre, naka-score ka ng hindi naghihirap," muling sabi ni Styx kaya tiningnan ko lang siyang muli ng masama.


Tila hindi naman niya iyon pinansin at tumawa na naman siya ng tumawa maging si Romer at Ivan. Sino ba talaga ang kinakampihan nila sa amin ng babaeng 'yon? Ayos lang ba sila?


"Sa palagay ko gusto ka ni Naya, tol," Ivan said na ikinatingin ko agad sa kanya. "Hindi Ivan, mali ka. Sa tingin ko trip lang talaga niya si Eos," sabad naman ni Romer.


Does she dare do that for a trip? What the hell?


"Pano mo naman nasabi 'yon Romer?" Ivan ask him. Hindi ko na sila pinansin at nauna ng maglakad, at sumunod naman agad sila sa akin. "Madalas naman kasing walang pakialam si Naya sa kanya hindi ba? Ganoon lang siya kapag nasa mood siya, think about it. Halatang nang-aasar lang talaga siya," paliwanag ni Romer.


What the hell? Hindi ba sila titigil?


"Romer is right, masiyadong observant si Naya, malamang nahalata niya rin kaagad na pikon ang Eos natin," Styx also said at nagtawanan pa sila sa kalokohan nila and I glared at them.


"Tumahimik na kayo!" singhal ko sa kanila na ikinatahimik agad nila.


Pumasok na rin agad kami sa cafeteria pagdating namin, and I hurriedly find where is Nyx at nakita ko agad na nasa pwesto na ang mga 'yon, maliban sa annoying na babaeng 'yon.


"Hindi niyo nakita si Naya sa east?" agad na tanong sa amin ni Nyx ng lapitan niya kami. "Wala pa ba siya? Papunta na 'yon dito kanina, nauna siya sa amin," sagot ni Styx sa kanya.


"Wala pa siya kuya Styx eh," Nyx answered. "Dadating din 'yon Nyx, antayin mo na lang," Styx also answered saka ngumiti sa kanya.


Ngumiti na lang din naman si Nyx sa kanya at nag-roll eyes lang din siya sa akin bago siya umalis. Mabilis lang din siyang bumalik sa mga kasama niya at muling naupo, kami naman ay umakyat na sa second floor para kumain.


Kaylangan din naming bilisan, ang usapan kasi namin ay kakain lang kami tapos pupunta na kami sa ABM G11 building para tumambay at maghintay ng next class namin.


"Look who's sitting there." Napalingon ako sa tinuro ni Styx sa akin at agad na napakunot ang noo ko. Is it Naya?


Nakaupo siya sa hallway sa harap ng mismong pinto kung saan ang room dati ng mga kasamahan namin. Nakasandal siya sa railings tapos naka-straight lang ang right legs niya, iyong left naman ay naka-bend, at nakapatong naman 'yong left arm niya sa left leg niya.


"No one was allowed to enter this place," I said at dahil doon ay nilingon niya kami na naglalakad palapit sa kanya. Hindi ba siya nag-lunch? Kanina pa ba siya nandito?

Underground Society: Gangster (Completed)Where stories live. Discover now