GANGSTER 38

6K 130 0
                                    

(Nyx's POV)





Pagdating namin sa dorm nila Naya ay nakita namin siyang nakaupo lang sa sala at diretsong nakatingin sa amin na parang hinihintay niya kami. Hindi namin siya nakita maghapon tapos nandito lang pala siya? Pero ang nakapagtataka ay matatalim ang mga tingin niya, na para bang may ginawa kaming masama sa kanya. Nakakatakot naman itong si Naya, ano kayang problema nito?


"Bakit hindi ka pumasok? Kahit sa cafeteria hindi ka dumating" I ask para naman hindi awkward ang atmosphere namin dito.


Naupo rin agad kami sa katapat niyang couch pero hindi siya sumagot o kumilos man lang. Pakiramdam ko tuloy ay parang nasa interrogation room kami sa mga tingin niya eh.


"The twins is the reason why I didn't remember anything that happens on that day in the hideout," mayamaya ay sabi niya na ikinagulat naman namin, at napatingin din kami kay Apollo dahil doon. "Ano ba 'yang sinasabi mo Naya? Hindi ka ba pumasok dahil dyan?" tanong agad ni Apollo sa kanya.


Nararamdaman ko na rin na hindi lang ako ang kinakabahan sa mga oras na 'to. Alam ko na magagalit siya, sinabi ni Apollo na magagalit siya at kahit hindi niya sabihin alam namin na magagalit siya oras na malaman niya ang totoo.


"Bullshit Apollo! Can't you just stop fooling around? Nabisto ko na ang lahat!" hiyaw niya na ikinagulat na naman namin ng mga kasama ko.


But Apollo seems not been bothered at all. Sinalubong niya lang din ang mga tingin at hiyaw ni Naya.


"Naya, kalma lang magusap kayo ng maayos, nakakagulat kaya kayo," I said saka ako ngumiti sa kanila and its just so awkward for me.


"You forgot something about me being mad, Apollo. And you know what? magsisinungaling ka na nga lang tatanga-tanga ka pa!" muling hiyaw ni Naya.


Alam ko na galit siya dahil nanlalaki ang mga mata niya at naglalabasan ang mga litid niya. At hindi na rin naman ako nagsalita pa at napabuntunghininga na lang din ako dahil wala namang epekto ang sinabi ko sa kanila.


"Kapag sinabi ko ang totoo magagalit ka na naman, you knew it, we both knew it! Stop it Naya!" walang takot na sagot ni Apollo na pahiyaw rin.


And this was the very first time na ganito niya kausapin si Naya. Nakakagulat lang din because we all knew that he was always gentle and sweet with her.


"Sana inayos mo ang pagsisinungaling mo para hindi ko nalaman, and you knew I hurt so many people how can you think that its okay?" hiyaw muli ni Naya sa kanya at palakas din ng palakas ang mga hiyaw niya.


"Naya? Apollo? Relax lang kayo pagusapan natin 'to," mahinahon ding sabi ni Fredrick sa kanila. "Manahimik ka Fredrick! All of you trick me and all of you lied to me. Then what? all of you will look at me like I did something wrong. Now tell me? Paanong hindi ko malalaman?" Naya yelled again.


Natahimik din naman agad si Fredrick dahil sa sinabi ni Naya and I sigh again. Hindi 'to maganda, alam ko at nararamdaman ko na hindi 'to maganda.

Underground Society: Gangster (Completed)Where stories live. Discover now