GANGSTER 41

5.7K 138 2
                                    

(Naya's POV)





Hindi na ako nagsalita saka kami tumuloy sa lakad namin. Nagpaiwan din si ate Selene at si ate Ezra kasama si Nyx, kaya kami na lang ang magkakasama. Nauna na rin sina Eos, Styx, Ivan, Romer at kuya Red sa paglakad at sinabihan na lang nila kami na magpunta sa quadrangle kaya doon kami pumunta.


Sina Apollo, Helena, Ciello, Frion, Fredrick at Simon naman ang kasama ko papunta sa quadrangle. Pagdating namin akala ko doon na ang mismong location pero dinala lang din nila kami sa may kakayuhan malapit sa quadrangle.


"Magkalapit silang nakita dito noon, wala ng buhay at naliligo sa sariling dugo at pareho silang nakasandal sa punong 'to," Eos said to me.


Kalmado si Eos ng sabihin iyon pero kahit na kalmado siya ay alam kong nasaktan pa rin ako sa narinig ko.


"Dito sila nakita ng pamilya mo, at dito rin namin sila nakita. Ang buong section nila ay dito nakakalat noon," he added.


Dito ba sila nakita ni Apollo noon? Pero bakit hindi niya alam na dito sila nakita? Talaga bang naliligo sila sa sarili nilang dugo kaya halos mabaliw siya? Ako kaya, kung nakita ko ba sila noon makakaya ko ba?


"Naya?" Apollo called me pero hinawi ko lang ang kamay niya noong sinubukan niya akong pigilan sa paglapit sa puno.


"Bakit niyo 'ko iniwan? Bakit hindi kayo nagpaalam sa akin? Bakit biglaan, Kuya? Mga Kuya ko, bakit? Ang sabi niyo sa akin kakain pa tayo sa labas pag-uwi niyo. Manonood pa nga kayo ng basketball game ko hindi ba? Isasayaw niyo pa nga sana ako sa debut ko kahit ayaw ko noon hindi ba? Alam niyo bang palaging umiiyak si Mom? At si Dad halos ayaw niya ng umuwi sa bahay. Hindi na katulad ng dati ang bahay mga Kuya ko," I cried.


"Wala na akong kasamang mag-bike at manood ng every PBA at NBA games. Wala nang sigla ang bahay, since you left everythings change, and everyone was blaming me. Kahit na sila ang nagsimula ng pagbabago sa bahay natin. Bakit ba kasi pinagkaisahan niyo na naman ako?" bulong ko sa puno saka ko isinandal ang noo ko doon.


At kasabay noon ay nagsimula ng magunahang pumatak ang mga luha ko. Muli ko ring hinaplos ang puno saka ko iyon sinuntok ng paulit-ulit.


"Balikan niyo na ko mga Kuya ko, miss na miss ko na kayo, pakiusap. Hindi na ako makakapaghintay kayo lang ang gusto kong kasama. Kayo lang ang gusto kong kaaway, kayo lang ang gusto kong kalaro ng basketball o ng kahit anong laro. Pangako, hindi na ako aangal kapag binu-bully niyo ako, basta bumalik na kayo sa akin," I cried again.


Naramdaman ko rin na hinila ni Apollo ang kamay ko pero binawi ko iyon sa kanya.


"Naya?" Apollo called me again.


Hindi ko siya pinansin at sa halip ay naupo ako at sumandal sa puno tulad ng kung paano sila nakita, at iniisip kong katabi ko sila pero hindi sila patay.


"Kapag nalaman niyo sigurong nakikipag-away ako magagalit kayo, gangster na nga ako eh. Umuwi na kayo, resbakan natin 'yong mga palaging umaaway sa akin. Kuya Nate? kuya Naye? I have the same gang, I even have the same tattoo, idol ko kaya kayo. Kapag nalaman niyo bang pasaway na ako mumultuhin niyo ako? Multuhin niyo naman ako, o kaya balikan niyo na lang ako agad," I added at tumigil ako para pahirin ang mga luha ko at patigilin ang mga hikbi ko.

Underground Society: Gangster (Completed)Where stories live. Discover now