GANGSTER 43

5.8K 121 0
                                    

(Naya's POV)





"Sino ba 'yan at grabe ka maka-ngiti, Nayamaine?" Apollo ask me kaya pinanlakihan ko siya ng mata dahil tinawag na naman niya ang buong pangalan ko. "Its Dad, Apollo," agad kong sagot sa kanya.


Hindi ko na siya pinansin at itinuloy ang pakikipag-usap ko kay Dad habang kumakain.


"Kumain ka ng marami ha? Kayo rin, okay? Ubusin niyo 'yang lahat," ate Ezra said again pero hindi ko na sila pinansin at nag-focus na lang ako sa pagkain matapos kong kausapin si Dad.


"Wala ng ulan, Naya," Apollo said again kaya napatingin din ako sa glass window sa dining room, oo nga. "Basta kumain ka na lang," I just answered at nagtawanan lang din naman 'yong mga kasama namin sa amin, bahala nga sila.


"Naya? Gusto mo pa ba?" mayamaya ay tanong sa akin ni Ciello kaya agad akong napatingin sa mga kasama ko. Saka ko lang din napansin na naubos na namin ang mga nakahain sa mesa.


"Inubos niyo lahat ng niluto ni Ate? Ang lalakas niyo palang kumain," hindi makapaniwalang tanong ko sa kanila.


Napatingin na lang din ako kay Eos ng tumawa siya ng malakas at napatingin din ako sa iba pa ng gayahin nila si Eos at mayamaya ay tumingin lang din siya sa akin.


"Sige na kumain ka na, kung kulang pa magluluto pa si Ate, grabe ka kung kumain papaano mo natitiis kumain sa cafeteria?"


Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Eos saka ako napatungo, shit, ako ba ang kumain noon? Narinig kong natawa na naman siya sa akin pero napatingin ulit ako sa kanya ng lagyan niya ng adobo ang plato ko.


"Kumain ka na, ganyan talaga kasarap magluto si Ate," he said again.


Hindi na lang din naman ako nagsalita at kumain na lang ulit ako. Minsan lang kasi may nagluluto para sa akin kaya siguro napasarap ang kain ko iba kasi kapag lutong bahay.




-------------------------



"Naya gising ka na?" Napamulat ako ng mata saka napakunot ang noo ko dahil sa narinig kong tumawag sa akin sa pinto ng kwarto ko. Sino na naman ba ang tawag ng tawag na 'yon?


"Bakit ba?" I also ask at napabangon na lang din agad ako mula sa pagkakahiga ko sabay kamot sa ulo. Nakakainis naman eh, si Apollo na naman siguro 'yon "Umuulan, maligo tayo," mayamaya ay muling sabi ng nasa pinto and I knew its Apollo.


Umuulan daw? Napalingon agad ako sa glass wall na malapit sa kama ko saka ako tumayo at hinawi ang kurtina, agad ko rin namang nakita na umuulan nga. Dahil doon ay agad akong pumasok sa banyo dito sa kwarto ko saka ako nagpalit ng Tshirt pero naka-pantulog na pambaba pa rin ako.


"Naya bilis na," muling tawag sa akin ni Apollo.


Underground Society: Gangster (Completed)Where stories live. Discover now