GANGSTER 50

7K 137 16
                                    

(Eos's POV)





"Hindi ka man lang ba nae-excite na makilala siya?" mayamaya ay seryosong tanong ni Frion. "Minsan oo, pakiramdam ko kasi marami siyang iku-kwento tungkol sa kambal. Minsan naman hindi kasi naniniwala pa rin ako na hindi natin pwedeng pilitin ang isang tao na mahalin tayo. Palagi 'yong sinasabi sa amin ni Mom noon at mukang hindi 'yon naiintindihan ng kambal," I just answered at muli ay natawa sila sa kwento ko.


"Pero wala ba talaga silang ibang kinuwento?" muling tanong ni Cielo.


Talagang hook na hook sila sa kwento ng kabaliwan ng kambal ah.


"Wala na silang ibang sinabi bukod sa nagaaral din siya rito at pagdating ng panahon ay hahanapin niya ako tapos may kwintas kaming magkapareho," I said again.


Natawa ako sa kanila kasi parang sila pa ang nanghihinayang ngayon.


"Bata pa ako, hindi ko pa sineseryoso yan," tanging sabi ko lang sa kanila.


"Kikiligin na yata ako!" Ako naman ang natawa kay Nyx, Cielo at Helena dahil para silang mga baliw na kilig na kilig doon.


"Pero baka si Nicolai na 'yon, siya lang naman ang tanging nag-confess sa'yo dito," Frion said at tiningnan ko lang agad siya ng masama. "Mandiri ka nga Frion, and no I don't think so. Unang tingin ko pa lang sa kanya alam ko ng hindi siya 'yon, kaya tama na 'yan, okay?" I said saka ko sila pinatahimik para matapos na ang usapan.


"Girls? Frion? Naiisip niyo ba ang naiisip ko?" Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Nyx. Napatayo ako kaagad at lumayo sa kanila dahil hindi maganda ang kutob ko sa kanila. "Girls? Frion? lets force her, kaylangan natin ang cellphone at wallet ni Naya maghahanap tayo ng picture ng fiance niya," utos ni Nyx sa kanila.


Naghanda naman na agad sina Ciello at Helena.


"I wont do that," Frion said na tinawanan ko lang din naman.


Tiningnan din naman agad siya ng masama ni Nyx dahil doon.


"KJ, kung ayaw mo kami na lang!" hiyaw ni Nyx sa kanya.


Tumakbo naman na ako at hinabol naman nila ako kaagad. Inikot naming apat ang buong gym habang naghahabulan, tawa lang din ako ng tawa habang hiyaw ng hiyaw iyong tatlo, tingnan lang natin kung mahabol nila ako.


"Naya? Ipakita mo na, girls kornerin natin siya!" hiyaw muli ni Nyx.


I just laugh at him then tease her with my tounge out saka ako umakyat sa bleachers na kinauupuan ng section nina Eos.


"Ano ba wag nga kayo dito!" hiyaw naman agad sa amin ni Eos pero hindi ko siya pinansin.


"Nyx? May kilala ka bang pinaka-gwapo sa lahat dito sa university?" tanong ko sa kanila na ikinatigil agad nila. "Apollo, Frion, Joshua --- " sabay-sabay na sabi nilang tatlo.

Underground Society: Gangster (Completed)Where stories live. Discover now