2

10 0 0
                                    

Umaga na, nakita nanaman kita.

Kamusta na? Mejo busy ka yata.

Galit ka parin ba? Dahil di ko sinagot ang tanong mo?

Pasensya na.

Alam mo naman diba?

Ayoko lang masira ang relasyon natin bilang magkaibigan.

Kaya sana maunawaan mo ang naging desisyon ko.

Pero maniwala ka sana..

Gustuhin ko man sadyang ayoko lang isugal ang pagkakaibigan natin sa larong alam ko sa huli pareho tayong masasaktan at mahihirapan.

Ayokong mawala ka sakin.

Pero isa lang ang maipapangako ko sayo.

Hanggang dulo ako ang makakasama mo.

Hanggang pagtanda mo andito lang ako.

Hanggang sa huli andito parin ako.

Nandito sa tabi mo.

Nakaagapay.

Nakasalalay.

Handa kang damayan sa lahat.

Dahil kaibigan kita...

Matalik na kaibigan.

Para sayo, kaibigan ko. Where stories live. Discover now