Tagahanga Nila Ako

58 0 0
                                    

Sa pahinang ito naman ay tatalakayin ko naman yung mga hinhangaan ko sa mga 'Online Sites' katulad ng 'Facebook' at 'Twitter'.

Sila yung tipong hahangaan mo, hindi dahil sa mukha nila ngunit sa tatag ng kanilang paninindigan sa buhay. Alam nyo kung bakit ko sila isinalarawan ng ganoon?!!! Dahil kahit hindi sila lumalabas sa telebisyon ay nandoon pa rin yung tapang nila upang ipagpatuloy ang kanilang hilig sa pagtatanghal. Hindi man sila kasing popular ng ibang mga grupong nauna ay sila naman ang masasabi kong mas kahanga-hanga sa lahat.

Ang una kong papangalanan na grupo ay ang Boys Over Load. Marami ang humahanga sa kanila dahil sa angkin nilang talento sa pagsayaw at pagkanta. Lagi nga silang ikinukumpara sa grupong Chicser na hindi magtatagal ay makikilala nyo rin sa isinusulat kong ito. Sa ngayon ang pagkakaalam ko sa grupong ito ay may lima silang myembro. Na puro mga lalaki. At sila ay sina: Arvin John Paolo Boyon, Rojee, Mark Renz Candelaria, Jude Sinahon, at Van. Yung ibang myembro ay hindi ko nakuha ang kanilang mga apelyido. Wala akong masyadong alam sa kanilang grupo. Nalaman ko lang naman na mayroon na katulad nila sa 'Facebook' at 'Twitter'. Kaya wala akong masyadong alam sa kanila.

Ang isunod naman natin ay ang grupong Tween Pop. Wala akong listahan ng kanilang mga pangalan ngunit sa pagkakaalam ko ay apat na mga kadalagahan ang myembro ng grupong ito. Sa  ngayon, sa pagkakakilala ko sa mga mukha nila. Yung isang myembro nitong grupo na ito ay naging bahagi ng isang teledrama sa telebisyon na ipinalalabas noon tuwing gabi. Maliban doon wala na akong masyadong nalalaman pa sa iba pang mga myembro ng grupong ito.

Sunod sa listahan, ang U-Turn. Sa grupong ito ay may limang kalalakihan ang myembro ng grupong ito. HIndi sila masyadong kilala dahil nagsisimula pa lang silang mamulaklak sa mundo ng Musika. Hindi man sila masyadong pansin dahil sa hilaw pa ang kanilang grupo ay nagpapatuloy pa rin naman sila sa kanilang pangarap na maging alagad ng Musika. Ang mga myembro nila ay sina: Gian Neneria - bumida na sya sa isang komersyal na para sa kape. Sumunod naman ay sina James Benoza, Louie Basco, Clyde Ruiz Mariano, at Jay-E. Si Gian kasi ang pinakamasipag na mag-tweet sa kanila. Sa ngayon, sa tinatakbo ng kanilang karera papunta sa kanilang pangarap ay unti-unti na nilang nakakamit ito. Kaunting sikap pa para makamtan ito.

Sunod naman ang grupong District 5. halata naman sa pangalan ng kanilang grupo kung ilan ang myembro nila di ba?! Puro silang lalaki. At sila ay sina: Eugene Herrera, Zildjian Benitez, Jacob Clayton, Ianne Andres, Tom Olaf Doromal. Ang isa sa kanila ay nakasama sa isang teledrama na panggabi ang labas ang kaso nga lang natapos na iyon. Magkaganoon man ay nanatili pa rin silang buo bilang isang grupo. Sa ngayon sa 'Facebook' at 'Twitter' pa lang sila nakikilala.

Ang sunod naman ay ang grupong 5ive. Sa 'Facebook' ko lang sila nakilala. Ngunit napahanga ako sa kanilang galing sa pag-awit at pagsayaw. Hindi man sila kasing husay ng ibang grupo, sila naman ay kasing tapang nila. Dahil sa hindi sila natatakot sa kung saan ang kahihinatnan ng kanilang paglalakbay patungo sa tagumpay na kanilang inaasam. At ang mga myembro nila ay sina: Red Hernandez, Fernan Lozano, Earl Chavez, Daniel Salvador, Dar Bernardo. Wala akong masyadong alam sa kanilang grupo, ngunit hangga't nakakasayaw at nakakanta sila ay iidoluhin ko.

Ang mga nasabing grupo ay kahit na hindi lumalabas ng telebisyon ay nagkakaroon pa rin sila ng pagkakataon na magtanghal sa harap ng mga tao. Sa pamamagitan ng kanilang mga 'Mall Show'. Sa mga 'Mall Show' nyo lang sila mapapanood ngunit sinusigurado ko sa inyo hinding-hindi kayo mabibigo. Kaya patuloy natin silang suportahan sa kanilang adhikain na ipalaganap ang Musikang Pilipino.

Simpleng TagahangaWhere stories live. Discover now