Chapter Three

10.4K 220 9
                                    

"BAKA gusto mong magkwento sa 'kin kung anong nangyari kaysa tulala ka diyan? Masamang tumunganga sa harap ng grasya at mas lalong hindi ka mabubusog kung tititigan mo lang 'yan no." sita ni Shirley sa kanya. Lunch nila at kasalukuyang nasa pantry area sila ng opisina nang mga oras na iyon.

Ni hindi man lang niya kasi nabawasan ang pagkain niya. Tinititigan lang niya iyon at nilalaro ng tinidor. Isang malalim na hininga ang hinugot niya. "Ayoko muna sanang pag-usapan, Shirley. Wala pa ako sa mood." walang ganang sagot niya.

Nagkibit balikat lamang ito. "Okay. Hindi naman kita mapipilit. Basta nandito lang naman ako kung may kailangan ka. Makaka-move on ka rin." anito at tinapik pa siya sa balikat.

Isang tipid na ngiti lamang ang iginanti niya rito.

Kahit hindi pa tapos ang oras ng lunch break niya ay nagtungo na siya kaagad sa opisina niya. Ang totoo kasi ay naguguluhan pa rin siya hanggang ngayon. First, her break up with Aldrich. Sobrang nasasaktan pa rin siya hanggang ngayon. Ang inakala niyang masaya at perpektong relasyon ay pulos kasinungalingan lang pala. She never ever even thinks that he would cheat on her. Buo kasi ang tiwala niya para rito. Wala naman rin siyang napansin na kung ano sa pakikisama nito sa kanya o may pagkamanhid lang siya?

Pero ang mas lalong nagpapagulo sa isip niya ay ang nangyari noong Sabado ng gabi. Hindi niya inakala sa buong buhay niya na sasama siya sa isang estranghero and to think na may nangyari sa kanila! Kahit hindi siya isandaang porsiyentong sigurado sa bagay na 'yon... E, ano sa tingin mo ang nangyari sa inyo? Nagtitigan? Bakit iba na ang suot mong damit pagkagising mo? Parang gusto niyang sabunutan ang sarili niya sa kagagahan niya. Sa halos dalawang taon na magkarelasyon sila ni Aldrich ay hindi dumating sa punto na nawalan siya ng kontrol sa sarili niya. Pero dahil sa kalokohang pumasok sa kukote niya, hayun at ibinigay niya ang sarili niya sa taong hindi niya kakilala?! But in fairness... guwapo si Chase kung hindi nagkakamali ang utak niya sa pangalan na pagpapakilala nito sa kanya. He was definitely one chunk of a hottie. Sa pagkakataong iyon ay totoong sinabunutan na niya ang sarili niya.

"Baliw ka na talaga Juana! Ano bang pinag-iiisip mo—"

"Are you okay, Una?"

Bigla siyang napabalikwas ng tingin. Hindi niya namalayan na may nagbukas na pala ng pintuan ng opisina niya. Kaagad na inayos niya ang sarili. "Nandiyan ka pala. What can I do for you Annie?" She is the Chairman's secretary. Nakasungaw ito sa siwang ng pintuan ng opisina niya. "Pasok ka."

"Sorry, kanina pa kasi ako kumakatok pero hindi ka naman sumasagot kaya binuksan ko na itong pinto." anito.

"Hindi ko narinig medyo busy kasi ako." pagdadahilan na lang niya. Kung alam lang nito ang dilemma niya ay baka maloka rin ito sa kanya.

Hindi niya alam kung naniwala ito sa sinabi niya o ayaw na lang nito makialam dahil hindi naman ito nagtanong pa. "Pinapatawag ka ni Boss Landon. May importante raw siyang sasabihin sa 'yo." nakangiting wika nito.

Napakunot-noo siya. Wala naman siyang natatandaan na kasalanan na nagawa niya para ipatawag siya ng pinakamataas na tao ng kompanya nila. Ginagawa naman niya lahat ng trabaho niya. Pasok naman lagi sa deadline lahat ng pinapaasikaso sa kanya. "Okay. I'll follow. Thank you." Iyon lang at lumabas na rin ito ng opisina niya.

Nasa 10th floor ang opisina ng big boss nila. Habang sakay siya ng elevator ay panay pa rin ang pag-iisip niya. Ano kaya ang kapalpakang ginawa niya para ipatawag pa siya ng Chairman ng kompanya? Sunud-sunod yata ang kamalasan niya.

Ilang saglit lang ay bumukas na rin ang pintuan ng elevator at naglakad siya patungo sa opisina nito. Nakita kaagad siya ni Annie at nakangiting sinamahan siya hanggang sa mismong opisina ng matandang boss nila. Nang pumasok siya roon ay kaagad na iniwana rin sila ng sekretarya.

Can't Help But Fall In Love With You (Published/Unedited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon