15

347 12 0
                                    

-L

Hingal na hingal na ako nang makarating sa hospital. Bwisit kasi, sobrang trapik kaya tinakbo ko hanggang sa makarating ako rito sa hospital. I want to see Chase. I need to see him. I want to make sure that he's still okay, kahit na alam kong hindi siya totally okay. Sa narinig ko pa lang kanina, indicator na kaagad iyon inaatake na naman siya.

Nang makarating ako sa tapat ng elevator, pinress ko nang pinress iyong up button pero wala pa rin. Ilang beses ko pinress iyong button ng elevator pero ang nakalagay sa sign ay nasa fourth floor pa ito. "Kainis!" Napansin ko na may ilang naglalakad ang napatigil at napatingin sa akin dahil sa bigla kong pagsigaw pero wala na akong pakielam. Kailangan kong mapuntahan si Chase. Kailangan ko siyang makita. Kailangan kong malaman kung ayos lang ba siya dahil hindi ako mapapanatag hangga't hindi ko siya nakikitang nasa maayos na kalagayan.

"Miss--"

"Stupid elevator!" Inis na inihampas ko ang bag ko sa pinto ng elevator. Pagkaatras ko ay may nabunggo akong tao kaya napaharap ako rito. Napansin ko na nakatitig ang isang Amerikano sa akin, iyong nabunggo ko, pero binalewala ko na lang. "Excuse me!" Nagmadali akong pumunta sa hagdan kahit na hingal na hingal na ako dahil sa kakatakbo. Medyo masakit na rin ang tagiliran ko pero ininda ko na lang. I want to see Chase.

Hingal na hingal ako nang marating ko iyong floor ng room ni Chase. At tulad nga ng inaasahan ko, nakita ko sina Tito at Tita sa labas. Umiiyak si Tita habang nakayakap naman si Tito sa kaniya.

Oh, God... no.

Tumakbo ako palapit sa kanila saka ko binitawan ang bag ko sa paanan nila. "Ano pong nangyari kay Chase?!" Sunod-sunod ang paghinga ko ng malalim dahil sa sobrang hingal. But I really don't give a damn about it.

Si Tito, na hindi naiyak masyado kapag inaatake si Chase, umiiyak na rin kaya mas lalo akong kinabahan. Napasuklay siya sa buhok niya gamit ang kamay niya, na parang sobrang frustrated na siya bago ako hinarap. "L, nasa loob. Pasukin mo na lang." Hinugot niya ang panyo sa bulsa niya sabay punas nito sa pisngi ni Tita. "Magiging maayos rin si Chase. Malakas iyon. Lalaban iyon."

Nagpaalam na ako sa kanila at pumasok na sa loob ng kwarto pero napatigil ako dahil sa nakita ko. Bakit may plastic na nagcocover sa paligid ng kama niya? Parang ginawa itong kurtina. Nakita ko siya na nakahiga sa hospital bed niya tapos iyong nurse naman na nakatayo sa gilid niya, parang may isinusulat sa recordbook. "Chase..." Napatingin siya sa akin tapos iyong mga mata niya, naging mapungay. At sa nakita kong iyon, nanglambot ako kaya unti-unti akong napaatras hanggang sa mapasandal ako sa pintuan.

Nanghihina siya.

Anong nangyari sa kaniya? Kanina lang, nang marinig ko siya sa cell phone, nagwawala siya, ha? Bakit parang nanghihina naman siya ngayon?

Napatingin sa akin iyong nurse tapos tinanggal nito ang mask na suot. "Chinecheck ko lang ang pasyente." pagpapaliwanag nito habang nakangiti ng bahagya tapos nagsulat ulit sa notebook.

Tumayo ako ng maayos tapos nilapitan sila. Hindi ko kailangan ng pagod, takot at ng sakit ngayon. Ang kailangan ko, malaman ang lahat. "Ano pong nangyari kay Chase? Kanina lang po naririnig ko na nagwawala siya, ha?"

"Tinurukan na siya ng pangpakalma ng doktor dahil nagwawala nga siya due the medicines that was injected to him to prevent any further pains. Medyo tumagal bago umepekto pero tumalab na rin. Kinailangan lang talaga siya turukan dahil hindi makabubuti sa kaniya ang pagwawala."

Tumango ako dahil nakuha ko na ang gusto kong malaman. Nagpaalam na rin iyong nurse kasi may aasikasuhin pa raw siyang ibang pasyente. I looked at Chase. Nakatingin rin siya sa akin habang nakangiti ng bahagya tapos iyong paghinga niya, ang lalalim.

Chase Mendoza (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon