Pt. 2

28.5K 590 47
                                    

KAGAT-LABI si Dahl nang masilip si Sam sa salamin sa itaas ng pinto ng recovery room. Tulog na tulog pa rin ito pero sabi ng nurse na nakausap niya, mamaya lang nang kaunti ay gigising na ito.

Tumingin siya sa oras sa cell phone. Gagabihin na sila masyado ni Zaq. Nakontak na niya ang kuya niya at sinabi niyang hihintayin niya ito sa Tarlac, sa bayan na sinabi ni Zaq na hometown nito.

Tinawagan niya ang mama niya. "Ma, bilis! Maiinip 'yong kasama ko."

Nasa Kenny Rogers pa rin si Zaq. Ni hindi siya sure kung sincere ba ito sa sinabi na hihintayin siya roon dahil ayaw niyang pumayag na sunduin nila ang mama niya sa bahay. Mahirap na kasing ma-sight pati kotse nito. Baka pati ito madamay pa sa problema ng pamilya nila.

"Eh, 'nak, iginayak ko si Cheska. Hindi ko sila kakayaning dalawa ni Belle habang nakabantay kay Sam. At least si Belle, kaya nang magsarili sa pagpasok sa school. Puwede namang um-absent si Ches, tutal kinder pa lang naman."

"Okay, Ma," sabi na lang niya. May magagawa pa ba siya? Sana lang ay huwag masamain ni Zaq. Bahala na, naisaloob niya. "Kaso, paano kayo, Ma?"

"Bahala na kung saan kami makikituloy pansamantala."

"Ingat kayo, Ma. Punta na kayo rito."

Fifteen minutes pa bago niya nakitang hangos na dumating ang maglola. Hindi na sila nag-usap na mag-ina pagkatapos niyang ibilin si Sam, saka niya hinagip ang malaking bag na pinaglagyan ng mama niya ng mga gamit nila ng pamangking si Cheska at hawak sa kamay ang bata na nilakad-takbo nila ang exit ng ospital, malapit sa Kenny Rogers.

Nakahinga siya nang maluwag nang makita ang puting Camry sa parking. Bago pa man siya makalapit ay bumukas na ang pinto sa backseat at pinasakay sila ni Zaq. Hindi na nagtanong ang lalaki at nagmaneho na lang. Kahit hindi niya sinabi, mukhang gets nito na nagmamadali siya kaya mabilis ang pagmamanehong ginawa nito.

Nakatulog agad si Cheska at saka pa lang niya nagawang kausapin si Zaq. "Pasensiya ka na, ha?"

Kinindatan lang siya nito at nginitian sa rearview mirror.

Napabuntong-hininga si Dahl. "Salamat, Doc. Okay lang na mamaya na lang ako mag-explain?"

"No problem."

"At, Doc..."

Sinulyapan siya nito sa salamin.

"Kuwan, may alam ka bang puwede naming tirhan pansamantala sa Tarlac?"

"Sa amin. Malaki ang bahay namin, maraming kuwarto."

"Hindi. Hindi puwede. Kuwan, makakasama kasi namin ang kapatid ko. Tatagpo siya sa Tarlac." Nakagat niya ang labi. Napabilis yata ang bibig niya. Sabagay, puwede naman silang umalis ng Tarlac agad-agad at hayaan si Zaq na maniwalang nandoon pa rin sila.

"O, di doon na rin siya sa bahay. Anim ang kuwarto ng bahay namin, bukod ang servant's quarters. May room sa attic, workshop ng kapatid ko pero nag-eermitanya ngayon sa bukid namin kaya libre rin 'yon. Puwede ang kapatid mo do'n kung hindi siya puwedeng magpakita sa ibang tao."

Napamaang si Dahl sa lalaki.

Ngumiti ito. "Lipat ka rito sa front, usap tayo."

Hindi siya nakasagot pero inihinto na ng lalaki sa shoulder lane ang kotse kaya napilitan siyang ayusin ang puwesto ni Cheska, saka umibis at pumuwesto sa front passenger seat.

"Nadinig ko 'yong sinabi ng kausap mo sa phone," panimula ni Zaq nang umandar na ulit ang kotse. "On the run ang kuya mo? Hinahabol ng mga pulis?"

Humigpit ang hawak niya sa laylayan ng blouse niya.

"The Good Samaritan" by Kumi Kahlo [COMPLETED]Where stories live. Discover now