Chapter 22- Escape

276 23 2
                                    

Cerisemie © Wattpad 2012

Chapter 22- Escape

Sometimes you need to lie to keep things better. Because not everyone will understand the truth and not everyone can understand why you lied.

---

Tumayo ako mula sa kama nang mapagsabihan ako ng Doctor na maari na akong maglakad-lakad pero iyong mga kaunti lang muna. Nilapitan ko iyong mesa na punong-puno ng prutas at regalo na hindi ko alam kung kailan pa nandito. Iyong ibang regalo nga  ay nasa may sofa na dahil halos na-occupy na nito ang malaking table pati na rin ang babang sahig nito.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis. But then, I’ll chose the latter one, because eversince naman ay alam ko ng walang nagmamahal sa akin, I’m really sure that they probably hope that I’m going to die. Kung alam lang nila na nagpapanggap ako, ipangangalandakan ko pa sa mukha nila that I’m also hoping what they hoped for.

Argh, it’s not the right time to turn my emo mode on.

Tiningnan ko isa-isa iyong mga regalo sa table at tiningnan kung kani-kanino galing, I’d notice na halos lahat ng mga nasa table ay galing sa mga relatives ko, siguro ditto nila nilagay talaga dahil alam nilang ito ang una kong titingnan. Then lumapit ako sa sofa at umupo dito, tiningnan ko naman kung anu-ano ang mga nakalagay doon.

Doon ko naman nalaman na galing ito sa mga ibang tao na ewan ko kung kilala ko ba o hindi. Iyong iba nga ay galing pa sa Manila dahil sa nakalagay sa from card nito. Kumuha naman ako ng isang regalo galing sa isang tumpok ng kulay pula na gift wrapper. Hindi ko alam kung kanino ito galing dahil wala namang nakalagay na card, pero hindi ko rin alam kung bakit ito pa ang nauna kong buksan. Siguro dahil ito na talaga ang nakakuha ng atensyon ko magmula pa kanina.

“Oh, nakatayo ka na pala diyan.” Nakangiting sabi sa akin ni Mommy. “Ang dami mong regalo ‘no? Syempre naman, marami ang nagmamahal sa’yo eh.” Napangiti na lamang ako sa sinabi ni Mommy.

Binaba ko naman na iyong hawak kong regalo, nakita ko namang tiningnan ito ni Mommy at napansin kong napangiti siya. “Hindi ko kilala kung sino ang may bigay sa iyo ng regalong iyan, pero nasisiguro kong iisa lang ang nagpadala sa iyo ng napakaraming pulang regalo diyan na nakikita mo. Pagdating ko kasi sa umaga ay nakikita ko na lamang na nandyan na iyan. Pero sa tingin ko ay tinityempo niya iyang ilagay diyan kapag bumababa ako para bumili ng pagkain sa gabi o hindi kaya ay kapag natitiyempong kinakausap ako ng doctor.”

Sandali naman akong napaisip, sa huli ay napatango na lamang ako. Mayroong pumapasok sa utak ko kung sino ang gumawa nito pero ayaw ko namang kumpirmahin sa sarili ko kung totoo nga ito. “Ah Mommy, pwede bang bumaba para magpahangin?”

“Oo naman, anak. Sandali at tatawag ako ng Nurse para magdala ng wheel chair.” Tumango na lamang ako at hinintay na muling bumalik si Mommy. Tiningnan ko naman muli iyong regalo at tuluyan ng binuksan ito.

Napasinghap ako ng makita ko iyong regalo, isang Styrofoam na inukit at ginawang taho. Para makuha iyong details ay kinulayan pa rin talaga ito. Muli akong nagmadali na kumuha ng pulang regalo na iyon at nakakita naman ako ng Styrofoam ulit na inukit at ginawang strret foods naman. Naramdaman ko ang mabilis na tibok ng puso ko, kasabay na rin ng pagbangon ng galit na nararamdaman ko sa puso ko. Kung tama man ang hinala ko, na siya ang nagpadala nito, hindi ko alamkung ano nga ba ang dapat kong maging reaction. Pero hindi ko alam kung bakit, kung bakit iyon pa, sa lahat ng pwedeng maramdaman na siyang nangunguna mula sa akin.

Book 5 - Ironic Love [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon