1

3.5K 130 20
                                    

He knows

"Caroline" halos manginig ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang malamig at malalim niyang boses. Inayos ko ang buhok ko umaasang maitago nito ang mapupulang marka na nasa leeg ko.

Humarap ako sakanya at doon nagtagpo ang aming mga mata, mula sa malalamig at matatalim na tingin ay agad itong nanlambot at naging puno ng pagmamahal.

Hindi niya pa alam.

"Gabi na bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong ko sakanya ngunit ngumiti lang siya at naglakad papalapit saakin. Ibinuka niya ang kanyang mga kamay at sinubukang hilain ako papalapit sakanya ngunit bago pa 'yon mangyari ay agad akong nakalayo. "Hinintay kita" sapat na ang mga salitang sinabi niya upang makaramdam ako ng kaunting pagsisisi sa ginawa ko.

Ngumiti ako ng tipid bago dumako papasok sa kwarto.

I swear I didn't mean it.

















i know what you did last summerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon