Chapter 2

1 0 0
                                    


Hindi ko namalayang papalapit nang papalapit ako sa kanya. Hindi to yung feelings ko ha. Kundi literal.

Naglalakad na pala ako! Bakit ganun? Bakit di ko man lang napansin? Kainis naman!

Nakarating ako sa harap niya. At wala na yung kasama nyang lalaki na akala mo ang gwapo gwapo. Pero at least wala na sya.

Huminto sya sa magsu-swing. Kaya nagtaka ako at parang na-awkward.

Kaya tinulak ko sya.
What?!
Hala!
Tinulak ko sya!

Nagmadali naman syang kumapit at ako naman tawang-tawa.

Isa ito sa mga nagustuhan ko pa sakanya. Kapag naiinis siya.

Hindi naman sa gusto kong naiinis sya. Pero ang cute-cute nya kasi.

Tinulak ko ulit yung swing. At nagalit sya. At syempre ako tawa nang tawa.

Tinulak ko nang tinulak yung swing. Pero hindi na siya naiinis. Kasi nagagalit na sya.

Naku naman po!
Lagot ako neto eh.
Kainis!

Nung medyo humina na yung swing tumalon sya at tumakbo papunta sa mga kaibigan niya.

Lord,
Sana naman di ako nakita ng mga kabarkada ko. Kahiya kasi eh. Bigla ba naman akong takbuhan? Hay.

Pero hindi ko na siya sinundan dahil kasama na niya yung kaibigan nya eh. At isa pa, nakangiti na sya.

Ano pa bang gagawi  ko?
Eh masaya na siya.

Sapat NaWhere stories live. Discover now