Chapter 9.2

4K 86 0
                                    


"ANG lapad ng ngiti natin ah?"

Papaliko si Zuriel Andreau sa men's room ng hotel kung saan idinaraos ang engagement party ng kaibigan ni Chantal na si Lilith. Ini-invite siya ni Chantal na sumama dahil ipapagyayabang raw siya nito sa mga kaibigan. Na finally ay nagbunga ang effort nitong paibigin siya. Pero sa totoo lang naman ay hindi na nito kailangang maghirap na paibigin siya. Hindi mahirap na magustuhan ang dalaga. And the feeling of liking her grew to love as the days and months gone by. Ang mga pangungulit at pagpapa-cute nito ang mas na nagpayabong ng damdamin niya para sa dalaga.

Noon, akala niya, masaya na siyang nagpapa-cute at nagbubuhos sa kanya ng atensyon si Chantal. Pero nang ma-realized niyang malapit ng mawala sa kanya si Chantal dahil iniignora niya lang ang pag-ibig nito ay bigla siyang natauhan.

Hindi niya kaya na magbabago ito ng pakikitungo sa kanya. She was so sincere and very transparent that night she'd told him that would be the last time she'll proclaim her love for him. Natakot siyang talaga! At higit sa lahat, nasaktan siyang malaman na sobrang pinapahirapan na niya ito.

And now, they end up in each others arms. Sa palagay niya'y wala na siyang mahihiling pa. Magaling na ang daddy niya at nakalabas na iyon ng mental. He even let himself forgive the man by chosing his woman over him. Tutal ay pareho silang natuto sa kanilang mga pagkakamali kaya't sabay rin silang babangon mula roon. Afterall, he was still his father. Kahit anong mangyari, hindi matatabunan ng sama ng loob ang pagmamahal niya rito.

Regular silang lumalabas ni Chantal para mag-date at pareho silang masaya sa tuwing magkasama. Para ngang gusto na niya itong yayaing mag-settle down dahil ayaw na niyang natatapos ang araw na di sila nagkakasama.

At last, he'd already surrendered his heart to a woman... again.

"Of course! Paanong hindi ako sasaya? Zuriel Andreau is mine, now!"

Nahinto si Zuriel Andreau sa paglalakad ng marinig ang tinig ni Chantal. Bahagya kasing nakabukas ang pinto ng women's room kaya't naririnig niya ang mga nag-uusap sa loob. Napangiti siya. Malamang na ipinagyayabang na naman siya ng kasintahan. Gusto niya tuloy mapailing nalang sa kasiyahan. Chantal is a proud girlfriend and it boast his ego even more.

"So, ibig sabihin pala, talo kami?" tinig ng isa pang babae.

Na-curious siya at piniling huwag munang tumuloy sa men's room. Gusto niyang marinig ang pag-uusapan pa ng mga ito. Hindi naman siya talagang usisero pero kung ganoong patungkol na sa kanya, makatwiran naman sigurong mag-usisa siya.

"Madadagdagan na naman ang kayamanan mo Chantal."

"Anong sinabi ng halaga ng gown mo ngayon, Lilith? Kung natalo mo siya sa dare niyo sa gown na iyan, natalo ka naman niya sa savings account mo."

"Anong ako lang? Kasali ka sa dare, Ellisejade. Malinaw na malinaw, eto ang ebidensya."

May narinig siyang recorded voice. Hindi man gaanong malinaw sa kanyang pandinig ang laman ng voice record, naunawaan naman niya ang tema noon. Halos manlaki ang ulo niya. Anong ibigsabihin ng mga naririnig niya?!

"Bilib na talaga ako sayo Chantal. Ano bang ginawa mo?"

"Well, magaling lang talaga ako. Wala pa ang hamon ni Zuriel Andreau nung i-dare niyo akong maging boyfriend siya. And when Zuriel Andreau dared me, I realized, it's hitting two birds with one stone. Mapapasaakin na siya, malilimas ko pa ang mga saving niyo. Kaya sa akin na ang mga cards nyo. Bilis." Si Chantal ulit.

Dare To Love You (completed_published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon