CHAPTER 02

5 0 0
                                    

B I T T E R 101

"what the heck"

Pabulong kong nasabi ng mag walk-out yung babae na mukhang tae ng ipis. What the heck talaga


"Pfft"

At kanina padin ako inaasar ng tatlo kong kaibigan dito na sina Eman, Brandon at Hensy -_-

"man, i can't believe that i mean WE" at nagsitawan ang mga shokoy. Kainis ang babae nayun ah?

I just glared at them.


"Manahimik na nga kayo sa kakatawa guys!"

Pagsaway ko at ayun sumeryoso na sila, alam ko na ang sasabihin nila maya-maya.

"Pero seryoso dude, kamukha niya talaga si Chelse" nakakunot na tanong ni Hensy tapos napailing.

"Oo nga man, meron bang kambal si Chelse?" naguguluhan na tanong ni Brandon.. Nagkibit-balikat nalang ako dahil ako mismo ay naguguluhan din, kaya ko nga tinanong yung babae nayun diba?


"Alam naman namin pare, na naguguluhan ka. Pero bakit ang sinabi mo sakanya ay 'you look familiar ms' bakit hindi mo nalang sinabi kung nakalimutan kana ba niya?" tanong ni Eman at uminom ng dala niyang cola.

"Easy, para hindi ako mapahiya" walang gana kong sinabi sakanila. At sana ma-gets nila dahil ayokong magsalita ng magsalita ngayon. 'Cause i'm really tired ugh-_-


Lumipas ang 30mins break ay bumalik nadin yung babaeng mukhang tae ng ipis at meron siyang kasabay na lalaki. Hmm

Tinarayan naman ako netong taeng ipis at sinabing 'tabi' pero wala akong narinig na boses mula sakanya. Arte; no.1 na ayaw ko sa babae


Hindi nagtagal pumasok ang aming Filipino subject at sobrang nakakaurat-_- kainis naman school na'to. Ganto ba yung mga teachers na kinukuha ni Dad? Hays



At salamat naman natapos din ang sobrang nakakaurat na lesson at uwian na. Sempre inantay ko muna na tumayo itong si taeng ipis, papaunahin ko na muna siya tapos susundan ko at doon na ako magtatanong sakanya.

Kailangan ko talagang malaman kung siya nga ba si Chelse o hindi -*-


Siguro nahahalata na ni taeng ipis na sinusundan ko siya kaya lumingon siya sa akin ng nakakunot na noo. Ngayon ko lang napansin na ang simple lang pala ng mukha niya, matangos ilong, itim na itim na mata, natural na labi, medyo mahaba ang hugis ng mukha na bumagay sa kan'ya.. Inaamin ko maganda siya

Wait-whaat the?! Sinabi ko na maganda siya?! No, no, i'm not!

"Bakit mo ako sinusundan huh?!" doon lang ako bumalik sa reyalidad na nakatitig na pala ako sa kan'ya.

Grabe. Pinaglihi ba sa microphone ang babae na'to? Sakit sa tenga kainis -*-

"I just want to ask something. Serious" seryoso akong tumingin sakanya, at pinigilan kong matawa ng nagbago ang ekspresyon ng mukha niya– para na siyang mukhang pwet ng manok. Kunot lahat ng mukha hahaha

B I T T E R 101 [On-Going]Where stories live. Discover now