Two

1.7K 51 0
                                    


Jessy POV

Pagkatapos magawa ni Kc at Jonalyn ang assignment nila hinatid ko ang dalawa sa paradahan ng trycicle.

"Sige ingat kayo hah!" masayang sabi ko.

Masaya ako dahil naka bonding ko ang mga ito na hindi ko kailanman inakalang mangyayari.

"Ikaw ang mag ingat hinatid mo pa kami hanggang dito" sabi ni Jonalyn.

"Wala yun kung pwede nga hangang bahay nyo hahatid ko pa kayo" birong totoo ko gusto ko pa kasi makasama si Kc.

"Talaga? Kung ganon sakay na!" Nakangiting hamon ni Kc sakin.

"Hah?!" Natatawang gulat na sabi ko.

Pero di na ako nakahuma pa ng hilahin ako ni Kc papasok sa loob ng trycicle.

Tatawa tawang sumalampak nalang ako sa sahig nun dahil nakaupo na yung dalawa sa upuang pangdalawang tao lang.

Umandar na yung trycicle habang kami naman ay nagkatawanan na lang.

"Kayo hah sagot nyo yung pamasahe ko ng balikan" biro ko.

"Oo sige.. wag ka lang mareklamo dyan" sabi ni Kc na natatawa pa din.

"Hindi joke lang yun!" kambyo ko.

Hindi ko naman magagawang mag palibre ng pamasahe sa mga ito.

"Makikain muna tayo ng tanghalian kila Kc bago ka umuwi Jessy" sabi ni Jonalyn.

"Mag mo-movie marathon din tayo" suggestion naman ni Kc.

"Sige!" Masayang pagsangayon ko.

Hindi talaga ako makapaniwala sa takbo ng mga pangyayari, na makakasama ko pa ng matagal si Kc. Nag txt nalang ako kay mama na baka gabihin ako ng uwi. Kahit na may homework pa ako na gagawin okay lang. Hindi ko kasi mapapalagpas ang pag kakataong makasama pa ng mas matagal ang big crush ko.

Gagawin ko nalang mamaya bago matulog ang homework ko.. Sabi ko sa sarili.

Ang ganda talaga nya!  Isip isip ko habang sinusulyap sulyapan si Kc na nakaupo sa harap ko at nag kwekwento lang ng kung ano ano.

May dalawampung minuto din ang tinakbo ng trycicle bago kami nakarating sa bahay ni Kc. Mag kapit-bahay pala ito at si Jonalyn. Nilagay muna ni Jonalyn ang gamit nito sa kanila bago sumunod sa amin ni Kc.

Dalawang palapag ang bahay nila Kc. Simple lang iyon di maliit pero di din malaki. Puting tiles ang sahig at light yellow ang pintura ng dingding. Mabait ang mama ni Kc na maganda ding katulad nito.

"Doon tayo sa kwarto ko manonood ng movie" sabi ni Kc sa amin ni Jonalyn.

Nang marinig ko ang sinabi nito na excite agad ako.

Shocks makikita ko ang kwarto ng crush ko!

Everything is pink yan ang kulay na bumungad sa akin na itsura ng kwarto ni Kc na nasa ikalawang palapag. Pangbabaeng pangbabae ang kwarto nito at humahalimuyak pa iyon ng pabangong gamit nito. Bagya akong nakaramdam ng pagkailang dahil don. At hindi ko nagugustuhan ang nararamdaman ko, kasi parang gusto kong yakapin ngayon at halikan si Kc!

Haixt!

Nawala lang ang nararamdaman ko ng magsimula na kaming manood ng movie. Wonder Woman ang napagkasunduan naming panoorin. Daldalan lang ulit kami ng daldalan habang nanonood. Kanya kanyang komento tungkol sa pinanonood.

Kc.. A Dream Come TrueWhere stories live. Discover now