Chapter II

760 10 2
                                    

DENTISTRY BOY AND DREW

    Niyaya ako noong isa, 'yong isa naman parang ni-reserve sarili niya.

    "Kung wala ka pa ring partner, ako pwede." - DB

    "Ako na lang. Partner tayo, pwede?" - Drew

    Ah, si Drew naman ba?

    Hmm. Paano ba, kasi ganito. Hindi ko alam kung anong state ng relationship namin ni Drew kasi.. hindi naging kami pero parang naging kami. We didn't date, we didn't text sweet notes yet there is something. Hindi ko makwento ng maayos.

    Okay, game. Drew Rivera. Katulad ng DeathBogs kaklase ko rin si Drew since high school freshies. If I will describe him or I'll put him in a category, he's a Nice Nerd Guy. Matalino kasi siya yet friendly and cute and gentleman and-- fine! I'll stop.

    So, yeah. Siya si Drew. Nagkaroon kami ng state na M.U e, Mutual Understanding saka Malabong Usapan. Noong Juniors na kami, nalaman ko 'yong "fling" na word, well, I think 'yon 'yong relationship na nagkaroon kami ni Drew.

    Parang pulse rate kasi si Drew, pabugso-bugso saka minsan tumitigil.

    Sweet kasi si Drew, sweet siya in a way na he'll help when you're in need kaso madalas madaming napa-fall kasi nami-misunderstood nila yung sweetness niya. Minsan naramdaman kong nafafall na ko sa kanya pero binabaling ko agad sa iba. Mamaya kasi niyan I'll fall hard tapos he doesn't feel the same pala. Ouch yun. ><

    So dahil binabaling ko sa iba 'yong feelings ko, nakakalimutan ko si Drew. Pero close talaga kami. Lahat ng naging bf ko nagseselos sa kanya kesyo daw sobrang close kami. Madalas talagang siya yung nagiging away namin. Akala kasi noong iba, naging kami. Pero NEVER talagang naging kami. Hindi. Hindi ako defensive. Naalala ko lang kasi 'yong mga walang kwentang bagay na nangyari dati.

    Ano namang kwento ni DB?

    Well, si DB ay schoolmate rin namin noong high school but he's my senpai* or my senior. Ahead kasi siya ng isang taon sa batch namin. Nakilala ko siya sa prom practices, friend kasi niya si Aison na naging 'group crush' naman namin dahil sa anime-listic niyang features. Para sakin, kamukha niya si Kei Takishima* ng Special A.

    Crush ni DB 'yong isa sa classmate namin kaya mas napansin ko siya. Tapos, 'di ko na alam kung pa'no ko siya naging crush.

    "Kamusta story mo?" Nagulat ako sa tanong sakin ni Krissy, nasa bahay na pala ako nila Nikkie.

    "Ay, ha? Di ko pa matuloy e. Wala kasi akong maisip na susunod na eksena." Saka nag-iisip ako kung anong gagawin ko sa dance party.

    "Ano ba yung movie na kapag nagsulat ka sa book, nangyayare din sa real life?" Tanong ni Nikkie habang naghahanda ng meryenda.

    "May gano'n ba?" Nagtatanong ako kay Shin.

    "Death Note kaso kapag gusto mo lang pumatay noon e." Sagot ni Krissy and Janine samin. Oo nga nu? Hindi ko naisip 'yon.

    "Ang creepy pero ang galing." Sabi naman ni Kat-kat.

    "Ay, wag naman ganyan. Natakot na tuloy akong ituloy baka mangyari nga." Kumakaen na ko ng potato chips.

TALK: DANCE PARTY

    "May partner na kayo sa party?" Tanong ko sa kanila. By the way, nanonood kami ng Death Note ngayon, 'yong movie. Ang gwapo ni Light Yagami nu?

    "Tayo na lang, Royd." Aya ni Krissy kay Ganda.

    "Sinong Royd?" Nakataas na kilay ni Ganda.

Love StoryWhere stories live. Discover now